Chapter 7: Granted

22.6K 274 4
                                    

A/N: Jared>>>>>>>>

Nic's POV

Pagkatapos magpalit ng pambahay ay naupo ako sa tapat na upuan ng couch ko. Dun kasi ihiniga ni Lance si Jared kanina bago umalis. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha ni Jared ko. Di ako makapaniwala na andito sya sa bahay ko!.. Wala akong kasama dito bukod sa maid na twice a week lang nagpupunta para maglinis at maglaba. Palagi ako tinatanong ni Atina kung di daw ba ko natatakot manirahan mag- isa, kasi kung tutuusin sobrang laki ng bahay nato para sakin, pero nasanay na din ako. Mula ng maulila ako sa magulang ko, madami ng umaligid na buyers dito pero ayoko ibenta dahil ito lang ang tanging alaala ko sa kanila.

Mayaman ang parents ko pero hindi nila ko pinalaki sa luho. Sapat na sakin na meron lang hindi yung sobra. Kaya nga kahit yun pamana nila sakin hanggang ngayon di ko pa nagagalaw. Ang kinukuha ko lang yung pang tuition at pang- baon ko sa araw araw. Lahat ng pera ko pati trust fund ko pinamahala ko muna sa trusted attorney ng pamilya. Wala pa naman ako paggagamitan. Ang balak ko kasi magtayo ng business na lang after ko mag- college. Gusto ko magkaroon ng sarili kong boutique. Matagal pa yun alam ko pero kahit di ako matalino, maagap naman ako sa pag- iisip sa future namin ni Jared. ^_^

Nangingiti pa akong mag- isa sa pag- iimagine ng future nang magulat ako ng biglang bumangon si Jared. Biglang tayo din ako para alalayan sya. Kaso dahil magiway pa din sya sa kalasingan napahiga sya ulit at naisama pa nya ko!!!! Ang panget tingnan dahil ako pa ang nakaibabaw sa kanya pero di ako makagalaw dahil nakapatong ang braso nya sakin, at tameme talaga ako dahil kung dati ang pangarap ko lang makatabi sya, ngayon dikit na dikit na dikit na talaga ko sa kanya!

Dahan dahan kong tinanggal ang braso nya para makaalis na ko dahil baka akalain ni Lance pagdating na dinadahas ko yung kaibigan nya! Nakakahiya! Di ko naman gaganunin si Jared ko noh! Ihaharap ko pa sya sa altar bago ko sya pagnasaan! ^_^

Ring ring...

Naku! Si Lance na yun tumatawag alam ko! Pano ba to!.. Iniangat ko ulit ang braso ni Jared tsaka ko iniangat ang ulo ko, last na titig na promise! Ihhhhh! Wafu talaga!.. Nang makuntento ay tatayo na sana ako ng yung isang braso naman nya ang pumulupot sa bewang ko habang tumatagilid sya. Yung legs nya ipinatong na din nya sakin kaya daig pa namin naglaro ng doctor quack quack at ako ang ipit na ipit! Yung ulo ko nakasubsob na sa dibdib nya at napipitpit na yun ilong ko!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon