Chapter 36: Tease

23.9K 236 12
                                    

A/N: Markus topless------------------

Nic's POV

Pinipilit ko maglakad ng matino kahit pa pakiramdam ko namamaga ang pagitan ng mga hita ko, ayoko naman kasi na magtagal pa kami sa kwarto dahil baka makahalata na yun tatlo. Si Markus nga, nakasalubong ko pa na papunta na sa c.r., alam ko na susundan na nya ako dahil nagtagal ako. Pero ng makita nya ako, napangiti sya bigla. Hindi ko alam bakit parang kinurot ng bahagya yun puso ko, naaawa ako kay Markus.. Kasi umaasa pa din sya saming dalawa. Samantalang, ako eto, hindi masabi sa kanya na wala talaga syang aasahan sakin. Lalo pa ngayon na may nangyari na samin ni Jared.

"Ang tagal mo naman yata?.." Nakangiting puna ni Markus sakin. Ginagawa ko ang lahat para umakto ng normal sa harapan nya.

"Sorry, sakit tyan ko." Hindi makatinging sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nanunuri ang mga tingin ni Markus sakin. At napapraning na naman ako!

"Okay ka na ba? Gusto mong gamot?" Nag- aalala ang boses ni Markus. At sinusundot ako ng konsensya ko. Kung alam nya lang saan ako galing..

"H-hindi na.. Matutulog na din siguro ako ng maaga." Iwas ko sa kanya. Laking pasalamat ko na sa hinaba haba ng nilakad namin ay nakabalik na kami sa pwesto namin nila Mira kanina. Pero laking gulat ko na nakaupo na din dun si Jared! San naman nagdaan to?..

"San kayo galing?" Salubong na tanong agad ni Jared samin ni Markus. Nakaangat pa talaga ang kilay nya na mukha talagang nagtataka. Nakunot naman ang noo ko, grabe tong lalakeng to, wala pa kaming sampung minuto na naghihiwalay, talagang yun ang tanong nya?..

Inakbayan ako ni Markus. "Sinundo ko lang si Bri. Ang tagal kasi eh. Yun naman pala sumakit yung---"

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon