Chapter 56: Just love me

18.4K 246 9
                                    

Nic's POV

He's just doing what I want?.. Pero ito nga ba talaga ang gusto ko? Ito ang pinipili ng utak kong gustuhin ko. Hindi pupuwedeng pakinggan ko ang isang makulit na parte ng puso ko dahil matagal ko na syang pinatahimik. Si Markus ang mahal ko. Mahal nya ako. Walang kumplikasyon, walang bagyo. Pag kay Markus safe ako, maayos ang lahat..

Kanina pa ako pabiling biling sa higaan ko at paulit ulit ko nirerewind sa isip ko ang nangyari kanina. Bakit ganun ang nararamdaman ko kapag nakikita ko silang magkasama ni Tara?.. Bakit parang.. Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko na parang gustong magwala kung anuman ang nasa loob nito. Inis na tinakpan ko ng unan ang ulo ko sa pagpipilit na makatulog na. Ayoko na mag- isip..

Kinabukasan, hapon pa lang nasa mansion na ang tatlo. Nakikiusyoso sa bisita. Hindi ako nakasabay sa breakfast dahil madaling araw na ako nakatulog. Tanghali na ako nagising tapos wala na sila Markus, nasa opisina na. Sobra hirap lang kagabi kasi bawat kaluskos na nadidinig ko sumisilip ako. Iniisip ko kasi gagapangin ni Tara si Jared. Magkatapat lang kaya kwarto nila! Not that may pakialam ako or what, pero ayoko lang na madungisan tong bahay na to sa kabulastugan nila.

"Ate, tuta lang ang peg?.." Napalingon ako kay Mira. Nakunot ang noo ko. Inginuso nya sakin ang salamin sa harapan ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Gaaaahhddd! Grabe eye bags ko!

"Kaya mo na yan Mira. Make up- an mo na lang ulit si Nic." Sabi ni Lance habang iniikot ikot sa daliri nya ang buhok ni Atina. Inis naman na hinihila nung huli yun ulo nya palayo.

"Nic, magbabar pa naman tayo tonight tapos ganyan itsura mo. Si Markus baka pagkaguluhan ng ibang girls sige ka akalain hindi ka fiancé." Pananakot pa ni Tin. Nasa kwarto ko sila as usual. Nakaligo naman na ako pero natatamad ako bumangon. Bar bar pa kasi. Idea ng bwisita. Para daw makapag- unwind naman si Jared dahil walang pasok bukas. Oo naman kagad yun isa! Para daw ma- experience naman ni Tara na mag- bar. Sa isip isip ko, san lupalop ba galing ang secretary nya at hindi pa nakakaapak sa bar?? Tsss.

"Oh game, make up make up na. Tumayo ka na Nic." Pangungulit ni Mira sakin. Gumulong lang ako padapa dahil tamad na tamad ako. Parang ganito din scenario noon ni- make over ako ni Mira.

"Bababa muna ko, girl thing na to." Sabi ni Lance bago humabol pa ng hila sa buhok ni Tin.

"Aaarrghhh!! Bwisit ka talagang lalake ka humanda ka sakin mamaya!" Iritang sabi ni Tin ng hindi nya abutan si Lance dahil kumaripas ito ng takbo papalabas sa pintuan.

"Ate, ano? Bangon na!"

"Ayaw ko."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon