Chapter 37: Good girl

20.9K 213 4
                                    

A/N: Nic--------

Nic's POV

Kinabukasan ay maagang maaga nga kaming bumiyahe gaya ng napag- usapan. Tsaka dahil na din sumama pa talaga ang pakiramdam ni Caroline. Nakonsensya naman ako bigla. Talaga palang di na maganda yun lagay nung tao, tapos ako, puro walang kwentang pagseselos iniisip ko nun isang araw pa. Tulad nung kung paano kami papunta, sabay pa din sa sasakyan pabalik sa Manila si Jared at Caroline. Tapos kaming apat nila Markus ang magkakasabay sa kotse ko. Hindi kasi kasya mga gamit namin kung yun porsche ni Markus ang dadalin.

"Nic, hindi na muna ako matutulog sa bahay mo ngayon ha. Uuwi muna ako. Dun na ko manggagaling sa pagpasok bukas. Para makapagpakita naman ako sa amin." Paalam ni Atina sakin.

"Okay, sige lang. Di ka na nga nakauwi ngayon dahil sa outing natin."

"Ate, gusto mo samahan kita sa bahay nyo?" Suhestiyon ni Mira.

Alam ko sinasabi lang nya yun dahil wala ako kasama, pero sigurado ako mahihirapan magpaalam si Mira sa kanila ng isa pang gabi dahil nga sa dalawang gabi na kaming wala. "Nako wag na.. Okay lang ako, sanay naman ako mag- isa saamin. Hinahanap ka na sainyo nyan."

"Sure ate ha? Basta pagka na- feel mo na gusto mo ng kasama, kambatan mo lang ako. Isang text lang kahit di ako payagan gogo ako sayo."

"Ang sweet mo naman, nagkakagusto ka na yata kay Bri." Tudyo ni Markus na ngayon lang nagsalita simula kanina pa. Napansin ko na parang may malalim syang iniisip.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon