Chapter 48: Markus

17.5K 204 8
                                    

A/N: Markus>>>>>>>>

Markus' POV

Two years na ang relasyon namin ni Bri. Isang taon ko din syang sinuyo. I was ecstatic nung sinagot nya ako. Palagi ko yun inaalala na parang kahapon lang ang lahat.

Chicago, Illinois

 

"What?? Quit staring..." Natatawang sabi ni Bri habang nagkukulitan kami sa bench habang nagpapatay ng oras para sa next subject. Kasalukuyan sya nagsusulat at tutok na tutok sya doon. Habang ako naman, titig na titig lang sa mukha nya. Kahit tingnan ko lang sya, kumakabog na dibdib ko. Konting ngiti lang nya, nakakabakla mang aminin, talagang kinikilig ako. Sya lang.. Sya lang ang may ganung epekto sakin.

Sa Kendall College kami nag- aral pareho. Business ad pa din. Kilala ang school sa pag specialize sa business, hospitality and culinary. Mula nung dumating kami dito last year, hindi ko na sya hiniwalayan. Aba mahirap na. Baka may umaligid na naman eh. Hindi din kami magkalayo ng tinutuluyan, actually next apartment, building ko na. Ang pinili ni Bri yun may terrace. Gusto daw nya na tumatanaw sa langit kapag nag- iisip sya.

"Markus!..." Pinanlalakihan nya ko ng mga mata. Anong magagawa ko eh ang ganda ganda nya. Paano naman akong hindi matutulala. Ngumiti lang ako tsaka pinindot ang ilong nya.

"What?.. Para tinitingnan ka lang eh.." Natatawang sabi ko.

"You're not just looking, you're staring!.." Sabi nya bago ibinalik ulit ang atensyon sa pagsusulat.

 

"Ano naman? Eh sa gusto kita titigan. Hanggang tingin na nga lang eh.." Pabulong na sinabi ko yun huling part. Ang torpe ko naman kasi. Nililigawan ko sya pero hindi ako nagtatanong ano na ang status namin dalawa. Alam ko naman na nagmo-move on pa sya eh. Ayoko naman na madaliin sya sa isang bagay na hindi sya handa. Ang importante, nasa akin ang lahat ng pagkakataon ngayon.

 

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon