Chapter 26: Versus

22K 232 0
                                    

A/N: Caroline-----------

Nic's POV

Halos lakad takbo na ako papalabas ng school dahil inaalala ko na baka makita ako ni Markus. Nahihiya talaga ako baka totohanin nya yun sinabi nya. Napapalingon na nga sakin mga nakakasalubong ko, siguro nagtataka sila bakit nagkukumahog ako sa pagmamadali eh uwian naman na talaga ng ibang block! Ilang hakbang na lang at nakikita ko na yun gate ng campus, ang saya makakauwi na din ako! Pag nasa kotse ko na ako tsaka lang mapapalagay ang loob ko. Pagkalabas ay diretso ako sa parking, sorry Markus pero di ko talaga kaya, iwas iwas muna----

#o#

Kung kanina magkandadapa na ako sa pagmamadali, ngayon gusto ko na lang wag tuminag sa pwesto ko! Paano naman kasi. Si Markus natatanawan ko ng nakasandal sa may kotse ko. >.< Pinagtitinginan sya ng mga dumadaan dahil.. Ehem. Oo na gwapo din talaga sya. Naka- jeans sya at polo shirt. Nakayuko sya at nagcecellphone. Tapos.. May bitbit na dambuhalang flowers na kalahati na yata nya ang laki. Alam naman ng mga tao dito na kotse ko yun at sigurado ako na napupuna na nilang ako yun hinihintay ni Markus. Kabadong nagpalinga linga pa ako, hinahanap ng mga mata ko si Jared. Baka mamaya makita nya to, baka mamaya isipin nya na nagpapaligaw ako, baka mamaya isipin ng mga tao kaya ako nagmamadali dahil gusto ko na makita si Markus, baka mamaya...

"Tandaan mo. Iba ang martyr sa tanga."

Parang biglang nagflash back sakin yun sinabi ni Atina kanina.. Na- boom nga nya ako dun. Bat nga ba ako mag- aalala sa kung ano iisipin nya, samantalang ilang ulit na nyang sinabi sakin na walang kami. Napapabuntong hininga na nagpatuloy ako maglakad. Tsaka naman saktong napatingin sa gawi ko si Markus. Nun una halatang medyo inip na sya pero nagliwanag ang mukha nya ng makita nyang papalapit na ako sa kanya. He smiled and waved at me. Napangiti na din ako tsaka kumaway. Nang makalapit ako ay di ko alam ang sasabihin ko. "Hi." Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Apakabango naman kasi ni Markus! Inubos na yata yun isang bottle ng clinique happy nya! Alam ko perfume nya dahil nakita ko yun na nakalagay sa may duffel bag nya nun nag- try out sya ng basketball.

"Hello." Parang nahihiya namang sabi ni Markus. Napangiti naman ako lalo sa itsura nya. He has this boyish look and grin that would make any girl fall head over heels with him. Sobrang ganda talaga ng mga ngipin nya. "For you." Sabi nya habang inaabot sakin ang bouquet ng flowers. "Pasensya ka na Bri, bago sakin lahat ng to, pero I'm trying, because I'm serious about this, about you.." Nahihiyang amin nya sakin. Alam ko naman yun, hindi naman na nya kasi kailangan manligaw dahil kagaya ni Jared, chick magnet din sya. Babae na ang lumalapit sa kanya kaya di sya nawawalan. Kaya nga magkakumpitensya sila sa lahat ng bagay eh. Naipilig ko ng marahan ang ulo ko. Bakit ba si Jared na naman naiisip ko.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon