Chapter 3: Motivated

28.8K 300 4
                                    

A/N: Nic>>>>>>>>

Nic's POV

Ansakit na ng ulo ko! Nahihilo na din ako. Kailangan matapos ko na tong nireresearch ko at pinagmayabang kong tapos na kami ni Atina.. Napalingon ako sa bedside table ko. Napangiti ako.

"Jared naman! Wag mo naman akong ngitian ng ganyan!.." Muntanga lang na kausap ko sa litrato. Ninakaw yun ni Mira sa faculty. Gay friend ko. Halos magtatalon ako sa tuwa ng ibigay nya sakin yun!..

Hay Jared. Talagang lahat gagawin ko para sayo. Kahit magmukha akong tuta sa laki ng eyebags ko tomorrow okay lang. :) Ganadong binalik ko ang atensyon sa ginagawa ko.

Bakit naman kasi napakahirap nito!? Kahit anong piga ko sa utak ko di ko maintindihan. Bat kasi di ako nag- aral ng matino simula nung bata pa ko, ayan tuloy walang gustong pumasok sa kukote ko, napakatagal kasi nabakante! Buti na lang walang sectioning samin, kung hindi sa malamang di ko magiging classmate si Jared ko..

SOH CAH TOA.. Bat ba naimbento ka pa?? Kakamot kamot sa ulong napagdesisyunan kong humiga muna at pumikit saglit. Ipapahinga ko muna ang utak ko na pakiramdam ko gamit ba gamit na kahit wala pa ko naiintindihan ni isa sa binasa ko.

>>>>>>>>>>>>

Patamad kong hiniklat ang comforter ko. Ang ginaw! Bbrrr! Nakakabadtrip lang yun liwanag san ba nanggagaling yun alas diyes pa lang ng gabi! Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Di ko nga pala pinatay ang ilaw kaninang nag rereview ako.. Pero agad ding napabalikwas ng bangon ng mapansing sa bintana ng kwarto ko nanggagaling ang liwanag!!! Pagtingin ko sa orasan alas sais na ng umaga!

Nakatulog pala talaga ako!! Kumahog kong binalikan ang nakakalat na reviewers sa kama ko. Di ko pa din natatapos!! :( mamaya na ang start ng brainstorming namin kailangan may maipakita ako kung hindi baka lumipat ng group si Jared ko!

Hindi maaari!!! Hindi pwede yun! Maghahalo ang balat sa tinalupan pag nagkataon!

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon