Chapter 27: FML

21.4K 240 9
                                    

A/N: Jared-----------

Nic's POV

Pagkatapos namin kumain, nagbayad lang si Markus tapos ay umalis na din kami. Kumaway kami kay Jared at Caroline para magpaalam, di na kami lumapit dahil naramdaman na din naman siguro ni Markus yung pagkailang ko. Ni hindi ko na nga nagalaw yun dessert ko dahil pakiramdam ko nawalan ako ng panlasa. Nakaalalay ulit sa siko ko si Markus habang palabas, lumulutang naman ang isip ko habang naglalakad.

Sa dinami dami ng pagkakataon, talagang ngayon pa din lumabas yun dalawa, at sa hinaba haba ng oras sa buong araw, pinagkita kita pa talaga kaming apat. Dahil siguro sa mga iniisip ko, di ko napansin na may hahakbangan pala sa dadaanan ko.

"Ay!!!" Tili ko at pikit matang hinintay ko na lang na tumama ang mukha ko sa sahig.

Pero hindi yun nangyari.

Dahil nasalo agad ako ni Markus. Nanlalaki ang matang napatitig ako sa mukha nya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Yung tipong kaunting galaw ko lang mahahalikan ko na sya! "Are you alright?" Tanong ni Markus sakin.

Nakayakap sya sa bewang ko at kung di ko pa nadinig na may parang nabasag ay di pa din siguro ako makakagalaw. Nahihiyang inilayo ko ang sarili ko sa kanya. "Ahm.. Oo sorry di ko napansin.."

Lilingunin ko sana kung san nanggaling yun ingay pero bumalik sa siko ko ang kamay ni Markus. Iginigiya na nya ako palabas ng restaurant. Pero napangiwi ako ng maramdaman ko na kumirot yun paa ko sa biglaang paglakad ko. "Aray!"

Pakamalas naman! Na- sprain pa ata ako! "Spaced out na naman kasi eh ayan tuloy." Sabi ni Markus na halatang nag- alala. Nagulat pa ako ng bigla sya yumuko para tingnan yun paa ko. Naka- open sandals ako at kitang kita na nag- uumpisa ng mamaga yun bukong bukong ko.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon