Chapter 58: Puzzled

16.3K 189 12
                                    

Nic's POV

Dalawang buwan na simula ng pinili ko si Markus. Ang buong akala ko, aalis na si Jared at Tara sa mansion. Pero nagkamali ako. Sila ni Markus, ilang araw na hindi nag- usap matapos yung insidenteng yun. Pero nagpapaka- civil sila sa isa't isa alang alang sa kumpanya. Si Jared naman sakin, bumalik sya sa dati. Hindi na nya ulit ako pinapansin. At ramdam ko ang galit nya sakin. Dati, umiiwas lang talaga.. Pero ngayon tuwing makikita nya ako, nagdidilim ang mukha nya, nag- iiba ang aura nya. Natatakot nga ako.. And at the same time, nasasaktan. Pero pinaninindigan kong tama ang desisyon ko. Kahit na sa loob ko, tumututol ang isang bahagi ng pagkatao ko.

Tatlong linggo na lang at kasal na namin ni Markus. Nakaayos na ang lahat, kumpleto na. Kulang na lang yung paglakad ko sa altar at yung pag- "I do" namin sa isa't isa. Pero ang gusto ko naman sana, magkaayos naman kami ni Jared bago man lang kami bumalik sa states. Right after kasi ng wedding, diretso flight na namin ni Markus. Alam ko naman na imposible yun gusto kong mangyari, dahil sagad sagad na sa pagka- awkward yun sitwasyon, at hindi ko din naman alam kung paano hihilingin kay Jared na mag- usap na kami ng matino. Pero sinubukan ko pa din sya kausapin minsan, para lang matapos na.. Pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Siguro nga kung magkakaayos man kami, hindi pa ngayon yun. Kung kailan? Hindi ko masasabi. Dahil hanggang ngayon, malinaw pa sa isip ko ang kinahinatnan ng huli namin pag-uusap.

"Hindi ko kaya magpanggap kagaya mo, Brianna." Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Gusto ko lang naman kasi na maayos na Jared. Panghabangbuhay natin i- deal ito kung sakali, ayoko naman na awkward palagi kapag nagkakasama tayo." Paliwanag ko.

"What exactly are you trying to say? To act like I don't love you and you don't love me anymore? That's bullshit. Pwede nating lokohin ang ibang tao pero hindi ang mga sarili natin, Brianna." Inis na sabi nya.

"Wala kang pinanghahawakan sakin, Jared."

"Wala? Sigurado ka ba dyan? Baka nakakalimutan mo, nasakin ang puso mo. At wala na kong balak isoli yun sayo." Nakangisi nyang sagot. Naumid ang dila ko. Wala na talaga. Talagang ganito na kami habang buhay. At least, sinubukan ko makipag- ayos. Patalikod na ako ng magsalita sya, "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?.."

Hindi ako lumingon. "Oo." Sagot ko. Palakad na ako ulit ng hilahin nya ako paharap sa kanya.

"Bakit hindi mo ako kayang piliin, Brianna? Bakit hindi mo magawa yun? Ano bang kulang sakin?" Nakita kong punong puno ng emosyon ang mata nya at nanlambot agad ang tuhod ko.

"Let me go, Jared.." Sabi ko habang nakikipagtagisan sa kanya ng titig. Eto na naman kami, balik na naman sa ganito, kukuwestyunin na naman nya ang desisyon ko. At wala na naman ako masasagot sa kanya. Paano ko sasabihin kung ako mismo hindi ko ma- justify sa sarili ko? Basta ang alam ko lang, yun ang tama. At yun ang nararapat.

"Ang kasalanan ko lang naman minahal kita. Pero bakit ganun? Ang sakit sakit mong mahalin.." Pabulong na sabi ni Jared habang unti unti ng niluluwagan ang hawak sa braso ko. Tumikhim ako at tumalikod na ulit. I tried so hard to collect myself while I start to walk away. Again.. I'm walking away from him again. Paulit ulit na lang. Palagi ganito ang nangyayari pag nagkakausap kami. Puro batuhan ng salita. Puro tanungan ng totoong nararamdaman. Napatigil lang ako sa paghakbang ng magsalita sya ulit.. "Pero hindi dahil mahal kita, may karapatan ka ng saktan ako." Napapikit ako ng mariin bago muling humakbang papalayo. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang nag- unahang pumatak sa mga mata ko.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon