Chapter 34: Glances

22.8K 251 4
                                    

A/N: Jared----------------

Nic's POV

Kinabukasan, napag- usapan ng kinabukasan sa umagang umaga na kami uuwi tutal naman halos gabi na din kami dumating kahapon. Pagkatapos mag breakfast ay tumambay muna kami sa terrace. Magkakatapat kaming apat na nakaupo sa wooden chairs. May duyan din doon at nandun si Jared at Caroline. Nakatagilid pahiga si Jared tapos nakaunan sa braso nya si Caroline. Ganun din kami ni Jared ko nun isang araw lang. Ang sakit sa mata ng view.. Dapat ako yun nandun, kasi ako yun girlfriend pero hinahayaan ko na lang. Paulit ulit kong sinasaksak sa utak ko na may dahilan. Napansin ko na matamlay pa din si Caroline. Hindi sya masyadong umiimik. Si Jared naman palagi lang nakaalalay sa kanya. Parang ang putla nya nga sa paningin ko. Ako lang naman sa palagay ko ang nakakapansin dahil ako lang naman ang okupado ang atensyon sa kanilang dalawa.

"Guys, sa rest house naman namin tayo." Suggestion ni Markus. "Malapit lang naman dito yun. Para mailibot ko din kayo dun tutal naman andito na din tayo."

"Sige game ako dyan! Gagayak na ako!" Sabi ni Mira sabay hatak kay Atina. Pinanindigan na talagang partners sila. Haha. Pakakaladkarin talaga nun dalawang yun, kahit saan ata game.

"Hindi na lang kami sasama." Makaraan ay sabi ni Jared. Napatingin ako sa kanya bigla. Bakit di sila sasama? Maiiwan sila ditong dalawa ni Caroline??

"Baby, you don't need to miss the fun just because masama ang pakiramdam ko. Sasama tayo. Besides, medyo maayos na ko di ba.." Malambing na sabi ni Caroline habang nakasandal kay Jared. Tumingin sakin si Jared. As usual, nag- iwas na naman ako ng tingin. Bakit ba ang hirap ng sitwasyon?

"Tara na babe." Yaya ni Markus sabay tayo na.

Para kong wala sa sariling inabot ang kamay nya tsaka sumagot. "Okay." Tsaka nanlaki ang mata ko pagkatapos. Kulang na lang takpan ko ang bibig ko. Napatingin ulit ako kay Jared. Ayan na naman yun nga nanunusok nyang tingin! Parang pakiramdam ko butas butas na ako! Pagbaling ko kay Markus ay ngising ngisi naman sya sakin. >.<

>>>>>>>>>>>>>>

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon