Chapter 40: Birthday

20.5K 226 3
                                    

A/N: Please play the music on the right----------

Nic's POV

Monday. May pasok na ulit. I feel sad for Markus, dahil sa nangyari sa bahay nun isang araw.. Pero hindi maitago ng puso ko ang mas nangingibabaw na nararamdaman ko.. Ang saya ko lang! Malapit na kami maging public ni Jared ko!.. ^___^ A few years from now, magiging wife na nya ako. :)) Ang advance ng utak ko hehe! Tsaka syempre, extra special ang araw ko ngayon dahil.... Birthday ko!!! Hindi ko alam kung naaalala nila, pero hindi kasi namin napapag- usapan nila Atina at Mira kung mag- celebrate ako. Hindi din nabanggit ni Jared, nakakahiyaan ko naman na sabihing huy birthday ko lapit na.. Parang masyado naman akong papansin nun. >.<

"Nic! Wait hintay!" Napalingon ako ng marinig ang boses ng tumawag sakin. Tumatakbo ito papalapit sakin.

"Laannnceeee!!!" Tili ko. Napatakbo na din tuloy ako. Namiss ko ang isang to!.. Patalon ko syang sinalubong tsaka niyakap ng mahigpit. "Kamusta ka na?? Namiss kita ah!.." Naramdaman ko na niyakap din nya ako tsaka ginulo ang buhok ko bago sumagot.

"Namiss din kita! Namiss ko kayo! Haha sensya na medyo naging busy lang." Paliwanag nito tsaka kami nagsabay na maglakad papasok. "Blooming ka Nic ah.." Puna pa nito sakin.

"Sus! Matagal na kaya! Ngayon mo lang napansin?? Wahaha!" Biro ko sabay hampas sa balikat nya. Nakarating kami sa room ko ng nagtatawanan. Sinalubong agad kami ni Atina pagkakita sakin.

"Nic, walang pasok! Tara na balik na tayo sa bahay nyo dali!" Walang anu anong sabi ni Atina tsaka nagmamadaling hinatak ako papalabas ulit. Halos patakbong sumunod na lang din samin si Lance.

Bayan! Kakaapak ko lang sa room tapos wala naman palang pasok! >.<

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon