Chapter 33: Partners

25K 256 6
                                    

A/N: Thank you for patiently waiting for my ud's! At dahil dyan mahaba haba etong ginawa ko. ^_^ kinikilig kasi ako na kahit di masyado madami nagbabasa nito, everytime na nag- update ako, naisasama sa trending ng romance- hot etong SYM! Thanks everyone enjoy reading! :)) 

Markus-----------------

Nic's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Si Caroline palagi wala, pati nga si Jared ko palagi na halos nag- aabsent. Ang huling sinabi nya lang sakin, may inaasikaso silang importante daw. Sapat na sakin yun. Hindi na ako nagtanong. He wants me to trust him, kaya ibibigay ko sa kanya yun. Si Atina naman palagi kasama si Mira. Ewan ko pero pagkatapos nun nakipagkita sya sa relatives nya mas madalas na silang magkasama na silang dalawa lang. Ino-o.p. kaya nila ako? >.< Pero di naman siguro, napapraning na naman ako. Si Lance naman kasi halos nasa gym na ng school ang buhay. May alam sya sa nangyayari samin ni Jared pero hindi sya kumikibo. Di ko nga alam kung ipagpapasalamat ko nga ba yun.

Ang problema ko lang talaga? No choice ako kaya ang pirmis kong kasama si Markus. Hindi ko naman maitaboy dahil wala naman ako maidahilan. Minsan nakasalubong nga namin si Jared, sinamaan ako ng tingin. Pero.. Paano naman kasi magagawa ko?.. Ang hirap naman ng ganito. >.<

"Busy ka ba mamaya?.." Tanong ni Markus. Naglalakad kami sa corridor at kakasundo lang nya sakin sa room ko.

"Ahm. Oo eh. Dami ko gagawin kaya diretso uwi na ako." Sagot ko agad. Hanggang makakaiwas ako ginagawa ko naman talaga, pero pag dito sa school ang hirap lang talaga lumusot.

"Long weekend di ba? Hatid kita ha?" Sabi ulit ni Markus.

Long weekend nga. Kaya umaasa ako na makagawa ng paraan si Jared ko na magka- time kaming dalawa. Kaso ang palpak ng rason ko na madami ko gagawin. Kasi mahaba pa ang panahon para gawin ko yun at di ko kailangan magmadali. Hay. Sinasabi ko na nga ba. Paano kaya ako tatanggi nito.. "Nasa inyo na si Atina at Mira, wala na sila pasok eh.." Dugtong ni Markus.

Napalingon naman ako sa kanya. "Pano mo alam?.."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon