Chapter 19: Possessive

23.8K 273 4
                                    

A/N: Jared pouting lol---------

Nic's POV

Bandang alas otso ng magsimulang dumating ang mga bisita ni Mira. Wala naman syang gaano ininvite, dalawang babae lang na ka- block nya atsaka dalawang lalake. Yun isa yata yun binoboylet nya. Haha! Kasi napansin ko madalas nya titigan tsaka himasin yun arms.

Bale light dinner lang ang nangyari tapos inayos namin ang sala ko para makaupo kami ng pabilog na magkakaharap. Tinabi muna namin mga couch ko para sa floor na lang kami nakaupo lahat. Nagkanya kanya ng pwesto ang bawat isa at syempre pa nakatabi sakin si Jared. Nasa right ko sya tapos sa left ko si Atina. Katabi naman ni Jared sa kabila si Mira at yun ibang girls.

Napapansin ko nga na abot ang titig ng mga girls kay Jared ko, di ko na lang pinapansin masyado at ayoko mabad vibes ako. Kasali sila sa mga mahilig tumambay sa kubo para aralin si Jared ko habang wala ako. Pero naisip ko hanggang tingin lang naman sila kaya okay na din, nasakin pa din ang huling halakhak.

"Let's play cards!" Sabi ni Mira. Agad naman sumang ayon ang lahat. Ang akala ko naman maglalaro kami talaga. Yun pala ang gagawin hihigupin yun card tsaka isasalin sa katabi. Kung sino ang makakalaglag sya ang tatagay.

"Ako ang magsisimula dahil ako ang birthday girl. Pero wait, dapat girl- boy ang ayos natin para mas okay." Paliwanag ni Mira. "Tabi tayo fafa Adrian!." Nanghaharot na sabi pa nito sa binoboylet nya.

Agad namang lumipat sa tabi ni Jared yung isang girl. Aimee ang name ayon sa pagpapakilala nya kanina. Napunta naman sa tapat ko si Lance at Atina tapos may sumingit sa tabi ko, yun isa pang visitor. Jayson ang name. "Hi Nic.." Sabi nito pagkaupo sa tabi ko. Ngumiti ako tsaka kumaway bilang pagtugon.

Kinuha ni Jared ang kamay ko tsaka hinalikan. Hindi na nya binitawan yun kamay ko. Nakakatawa kasi talagang mas doble pa pagdikit sakin ni Jared, ni hindi nga ako nakuhang kausapin ni Jayson at kahit nung Adrian.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon