Chapter 62: Sexy beast

6K 93 2
                                    









A/N: Rated SPG. Medj lang naman pero ni- private ko pa din.







Nic's POV







"Grabe naman yung katawan ni Chris Evans!" Halos maglaway ng sabi ni Mira. Captain America kasi ang pinanuod namin.







"Oo grabe noh, dati naman ganyan na sya ka- hot pero iba pa din talaga ngayon, masyado naging ripped ang muscles nya.." Parang kinikilig na puna ni Tin.







"Tss. Ripped? Masyadong bukulan naman yan! Ganito lang dapat sakin, buff and hot." Kontra naman ni Lance.







Sukat duon ay binatukan sya ni Tin, "Yung confidence mo, minsan di ko alam kung san nanggagaling. Medyo kakapalan na kasi ng mukha na sabihan mo ang sarili mo ng hot eh. Ples lang!" Pairap na kontra pa nito.







"Bat ba kahilig mo ako batukan?? Kaya inaakala ng iba girlfriend kita tapos under mo ako eh! Tsk." Iiling iling na sabi ni Lance. "Kundi ko pa alam, na matagal ka ng may crush sakin-- Araaayy!!! Hindi na hindi na awat naaaa!..." Halos mamilipit na si Lance sa pagkakapisil ni Tin sa pisngi nya.







"Ayan ganyan napapala ng mga kagaya mong puro yabang ang alam! Kapal ng mukha na to. Kahit kailan di ako magkakagusto sayo!" Sa wakas ay binitiwan na ni Tin ang pisngi ni Lance pero nagpahabol pa ng tapok sa braso.







Si Lance naman na natural na pang- inis, tumayo ng mabilis tsaka sinakal sa batok si Tin. "Aminin mo na kasi na type na type mo ako Tin! Hahaha!" Pang- iinis nito dahil malakas ang kiliti ni Tin sa batok, halos magkikisay na nga sa sobrang kiliti.







"Wahaha! Impakto ka talaga Lance! Bitaw na hahaha gusto mo talaga masaktan!" Sa isang biling ay nakawala si Tin at naghabulan na sila sa loob ng bahay. Maya maya ay dinampot ni Lance ang bag ni Tin pangsangga kasi ni- flying kick na sya nung isa. "Tatamaan ka talaga saking Lance ka wag ka magpapaabot sakin!" Hiyaw ni Tin hanggang umabot na sila sa labas.







"O sige na, hindi mo ko crush kasi love mo na ako! Yieeeee in love na sya sakin! Hahaha!" Nagpapahabol na sagot naman ni Lance.







Hay ang kukulit lang! Si Mira naman nag- roll lang ng eyes nya tsaka nagsimula magligpit ng gamit. "Okay. Ako na ang fifth wheel. Pag naging magjowa ang dalawang yun, napaka- loner na ng ganda ko! Hmp. Makapaghanap na nga ng ombre now na!" Reklamo nito. "Nic, alis na ako, hahabulin ko pa yun dalawa sa labas. Galaw galaw din. Kanina ka pa naninigas dyan! Babu!" Sabay beso sa akin. Bumeso din sya kay Jared tsaka pumisil sa braso nito. "Hmm serep! Babu sa inyong dalawa!"







Yun lang at nawala na sya sa paningin ko. Ni hindi na nakapagpaalam ng maayos yun dalawa, nadinig ko na lang na humiyaw sila ng babye mula sa labas. Napalunok ako. Tama si Mira, halos manigas ako sa kinauupuan ko simula kanina. Actually, hindi ko nagets ang palabas. Nakatingin lang ako sa screen simula kaninang nag- umpisa pero sa totoo lang wala ako naintindihan.







"Brianna.." Halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ni Jared ang pangalan ko. Katabi ko lang sya pero bat kasi ganun. Iba talaga epekto nya sakin.







Naestatwa ako lalo ng ibaon ni Jared ang mukha sa leeg ko. Hinarap ko sya at tinulak dahil naghuramentado na ang puso ko. "Ang manyak mo talaga!"







"Ano ngayon eh akin ka naman?" Irap lang ang naging tugon ko dahil sa init ng titig na binibigay nya sakin. Hindi ko sya masalubong na titigan sa mga mata. "Akin ka noon, akin ka ngayon. Habang buhay kang akin, Brianna. Simula ng minahal mo ako, at minahal kita, binigyan mo na ako ng karapatan na ariin ka. Lahat sayo, ultimo huling hibla ng buhok mo. Akin." Seryosong sabi ni Jared sakin.







Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon