Chapter 11: Make over

24.2K 262 18
                                    

A/N: Nic>>>>>>>>

Nic's POV

Napakunot ang noo ko dahil hindi agad nag- register sa isip ko ang mga sinabi nya.

"Hey ! Umalis ka na sa pinto papasok na ko!"

Parang natauhang lumihis ako para makapasok sya sa loob.

"Bri! Lika na! Hahaha! First time mo ulit?? Hahaha!" Tawang tawang sabi ni Jared habang pumapasok sa loob.

Napakurap kurap ako. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Pumanik ako agad at dumiretso na sa kwarto ko. Nandun na si Atina at mahimbing na natutulog na. Humiga ako tsaka tumagilid at pumikit. Pero gising na gising ang diwa ko!

Oo sya ng first date at first kiss ko. At oo big deal sakin yun. Ganun ba katawa tawa ang feelings ko para sa kanya para paglaruan ang nararamdaman ko.. Minsan minsan, nasasaktan din naman ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan tsaka impit na umiyak.

>>>>>>>>>

Jared's POV

What the hell was that?..

Kausap ko sa sarili ko habang pumapasok ng bahay. Wala na si Atina at Lance, baka nakatulog na kakahintay samin.

Ang pagbawi ko talaga kay Bri ay yung ilalabas ko sya. Para naman ma- experience naman nya yung dine- date sya. Simula nuon kasi, nasakin lang ang buong atensyon nya. And it was scary for me because her world just revolves around me. She is my friend and I want her to be happy. Knowing that I can't give her anything more than friendship.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon