Chapter 51: What happens in Tagaytay, stays in Tagaytay Part 1

19K 262 25
                                    

Nic's POV

"Guys tingnan nyo yun nasa likuran ng truck oh bahaha!" Turo ni Lance. Pagtingin ko nakita ko na may parang nakalawit na dalawang bilog na bagay sa ilalim nito. "Hahaha wahaha! Mukhang balls! Hahaha!" Tawang tawa pa din na sabi ni Lance. Nung huli nahawa na din kami sa tawa nya. Sa passenger's ako nakasakay. As usual, dahil wala si Markus, hinaharot na naman kami nitong tatlong tukmol nato. Mga kaibigan nga naman. Dedma lang talaga ako dahil baka isipin pa nila na apektado ako nuh. Pasimple kong tiningnan si Jared, seryosong nakatutok lang ang mga mata nya sa daan habang tawanan kami ng tawanan. Problema nya?.. Ayaw siguro maabala sa pag drive. Syado makapag concentrate.

Maya maya nag overtake kami at may isang truck na naman sa harapan namin. May nakapaskil sa ilalim nito at agad ako nag iwas ng tingin. Sana wala ng pumansin.. "Hahaha bwahahaha!!!! Gara nung nasa truck oh hahaha!" Sabi na naman ni Lance, nakita ko na sinipat pang mabuti ni Jared yun para mabasa nya. Si Mira at Atina naghahagikhikan sa likod.

Napapitlag pa ako nung magsalita si Jared. "Una kang naging akin."

Sshhiiizzzzz. Binasa lang naman nya yun nakasulat eh bat para akong sinisilihan dito??

"Ayiiiieeee." Harutan ng tatlo sa likod.

Kinakagat ko ang dila ko para hindi ako mangiti. "I don't know what's up with you guys but its not funny." Pagtataray ko kunwari para tigilan na nila ako.

"Arrroooo una ka daw naging kanya. Yiiiieeee." Sabi ni Mira.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon