Chapter 22: Pain

21.3K 223 15
                                    

A/N: Please play the music on the right----------

Nic's POV

Hindi ko na malaman kung gaano ako katagal na tulala. Nakauwi ako sa bahay ko ng di ko din alam kung paano. Lumilipad ang utak ko at masakit na ang lalamunan ko kakaiyak. Nakapikit na halos ang mga mata ko sa pamamaga. Pakiramdam ko nananaginip lang ako at gustong gusto ko ng magising. Nadatnan ko si Atina na nanunuod sa sala. "Nic may food ako niluto, tiniran kita nasa dining table." Sabi nya ng di tumitingin sakin. Para ako lumalakad sa kawalan. Narinig ko sya pero di ako tumugon. Dire- diretso ako sa hagdanan. "Nic??" Napaigtad ako ng hiyawan ako ni Atina. Napatingin ako sa kanya. "Oh my god anong nangyari sayo??" Patakbo syang lumapit sakin tsaka chineck ang katawan ko. Gulo gulo ang buhok ko at alam ko na nakakapanlumo ang itsura ko.

Natauhan ako ng alug alugin ako ni Atina. "Tin?.." Mahina pa sa bulong na sabi ko. Naalala ko ang mga nangyari kanina at napahagulgol ako bigla. Pasadsad na napaupo ako sa puno ng hagdanan. Alalay naman ako ni Atina. Nakasubsob ako sa palad ko at wala pa din patid ang pag- iyak ko. Ang sakit sakit ng dibdib ko.

"Ano bang nangyayari sayo Nic? Please tumahan ka naman na.." Parang naiiyak na sabi ni Atina sakin dahil natataranta na din sya.

"S-si J-jared.." Paputol putol kong kinwento sa kanya ang mga nangyari kanina. "H-hindi ko k-kaya Tin.. H-hindi ko kaya.."

"Tahan na. Wala ako sa posisyon para sumagot pero umaasa ako na may explanation si Jared kung bakit ganito.. Kakausapin ko sya, pupuntahan ko sya bukas na bukas din para maging malinaw lahat--"

"Wag! Wag mo sya pupuntahan.. B-baka magalit sya sakin. Ayoko! Ako na lang kakausap.. Baka lalo nya ko di kausapin pag nalaman nyang sinabi ko sayo, baka lalo maging magulo.." Ayokong magalit sakin si Jared, sa puso ko may pag- asa pa din na bakasakali.. Sabihin nya sakin ano na ang plano nya samin ngayong andito na si Caroline.

Sa lahat ng nangyari, kahit papaano alam ko. Umaasa ang puso ko na may parte kay Jared na mahal ako. Siguro naguguluhan lang sya ngayon sa biglaang pagdating ni Caroline. Alam ko magiging maayos din ang lahat.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon