Chapter 59: Something borrowed and blue

16.8K 210 14
                                    

Nic's POV

Hirap na hirap ang make up artist ko sa pag- conceal ng eye bags ko. Hindi kasi ako napagkatulog kaninang madaling araw. Abot ang hingi ko ng paumanhin sa kanya. Nangingiti lang sya dahil normal daw talaga yun, na hindi makatulog ang bride sa excitement kaya ang ending, tuta ang peg sabi nga ni Mira. Tinotoo kasi ni Markus ang sinabi nya, we danced till dawn.. Alas kwatro ng hapon ang kasal at hanggang ngayon, itsuraing nangangalumata pa ako. Kasalukuyan akong nasa hotel at inaayusan. Alas diyes ng umaga ng sunduin ako nila Atina sa bahay at dinala dito. Hindi pa kami nagkikita ni Markus simula kaninang paggising. Ang sabi kasi sa pamahiin, bawal daw muna magkita ang bride at groom bago ikasal. Wala naman masama kung sumunod kami.

"Ano?? Hindi aattend si fafa Jared sa kasal mo??" Bulalas ni Mira.

Nagkibit balikat ako. Expected naman na namin yun. Kaya nga hindi sya ang kinuhang best man ni Markus. Kasi malaki ang tsansang hindi sya sumipot. Ayaw naman namin na magkaaberya pa ang kasal dahil sa kanya. Napabuntong hininga ako. Ewan ko ba pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Dala siguro ng pagpupuyat ko. Nakakainis kapag nakikita ko ang mukha ko sa salamin. Mukha akong hindi ikakasal. Wala sa mukha ko yun bridal glow. Bakit sabi kapag daw ikakasal yun babae, bigla na lang lumalabas yun glow na yun sa mukha nila. Bakit ako wala ata nun?? Hay.

"Intindihin na lang natin Mira, syempre nasasaktan pa din yun tao. Ikaw ba naman, makita mo na ikakasal yung mahal mo, at sa mismong kapatid mo pa ha! Pupunta ka pa ba?? Kakayanin mo ba?.." Sagot ni Tin kay Mira ng hindi na ako nagsalita pa. Pagkadinig ko nung sinabi nya sumikdo ang dibdib ko at napakurap kurap ako.

"Ay! Sister wag ka muna umiyak, masisira ang make up mo!.." Tarantang sabi ng mua ko. Abot naman ang kurap ko para hindi magtuloy ang pagpatak ng luha ko. Hala, eto na yun. Emotional ang mga ikinakasal, ayan, nafifeel ko na, bigla kasi ako naiiyak!.. Hindi ko na napansin ang pagtitinginan ng tatlo sa likuran ko.

"Aray koh.. Parang naramdaman ko yun pain sa sinabi mo ate. Bat ganun? Kung ako nafeel ko yun kagat ng sakit, paano pa kaya si fafa Jared nuh?.. Kawawa naman sya.." Balewalang sabi ni Mira.

"Ako siguro.. Hinding hindi ko kakayanin yun." Singit ni Lance. "Ikamamatay ko sa sakit. Mawawalan ako ng dahilan mabuhay. Baka bigla na lang ako magbigti.."

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon