Chapter 57: Wrecked

16.1K 194 13
                                    

A/N: Short update

Nic's POV

"J-jared please.." Halos wala akong lakas na itulak sya. Sinusubukan kong kumawala pero hindi sya natitinag. Ang higpit higpit ng yakap nya sakin, na para bang kapag niluwagan nya ang hawak sakin, mawawala ako kaagad.

"Please.. Mahalin mo na lang ako ulit, Brianna.. Ako ang nakikiusap sayo.. Sinabi mo naman ng mahal mo ako, ano pa bang problema.." Hirap na sabi ni Jared habang yakap yakap pa din ako.

"L-lumabas ka na.." Pilit kong tinatanggal ang mga braso nyang nakayapos sa bewang ko. Pero hindi ko iyon magawa. "Umalis ka na.." Nahihirapan ang loob na sabi ko dahil kahit na anong piksi ko pa, ayaw nya talaga ako pakawalan. Nawawala na ako sa wisyo ko, at pinanlalambutan na ako ng tuhod sa pagkakalapit namin.

"What's the meaning of this?.." Boses ni Markus ang nagpabalik sakin sa katinuan. Paglingon ko nakita kong nakatayo sya sa malapit sa pintuan at nasa may bandang likuran nya si Tara na mukhang naguguluhan. Mabilis akong kumalas sa yakap ni Jared at tinulak sya papalayo. This time, pinakawalan na nya talaga ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at patakbo akong lumapit kay Markus. Pakiramdam ko nakakita ako ng kakampi. Si Jared nasasaktang tumingin sakin at humarap saming dalawa. Hindi ko maibuka ang bibig ko para makapagsalita. "Ano to Jared?" Kalmado pero mapanganib na tanong ni Markus. Inilagay nya ako sa likuran nya na para bang any moment aagawin ako ng kapatid nya.

"You heard it. I love her. I still, love her." Nanlaki ang mata ko sa diretsong kumpirmasyon na sinabi ni Jared. Narinig kong napasinghap si Tara sa gawing likuran ko. Hinawakan ko ang braso ni Markus ng akmang hahakbang sya papalapit kay Jared. Naramdaman ko ang pag- igting ng mga ugat nya sa braso. Tumigas ang kalamnan nya sa pagpipigil sa sarili nya.

"M- markus.." Hindi ako makaapuhap ng sasabihin ko. Hinarap nya ako at hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata nya.

"Lumabas ka muna, Jared." Hindi tumitinging sabi nya sa kapatid. Kinakabahan ako dahil baka hindi sumunod si Jared. Kilala ko sya. Hindi sya magpapatinag. Lalo pa ngayon at nagkakaaminan na. Dun kumilos si Tara, pumasok sya sa loob ng kwarto at hinawakan sa braso si Jared para ayaing lumabas. Pero iritadong piniksi nya ang kamay nyang hawak ni Tara.

"Hindi ako aalis----" Buo ang paninindigang sagot nya sana pero pinutol ko ang mga isusunod pa nya.

Tiningnan ko sya ng may pagsusumamo. "Please.." Hindi ako sigurado kung susundin nya ako pero umaasa ako na makikinig sya sakin. Nagtagis ang bagang nya habang nakatitig sakin. Para bang nagtatalo ang isipan nya kung aalis ba sya o hindi. Pero nanaig ang una, madilim ang mukhang walang lingon likod syang umalis. Walang kibong sumunod ang naiwan na si Tara at nakayukong lumabas.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon