Chapter 54: Welcome

17.6K 236 27
                                    

Nic's POV

Pauwi na kami sa Manila at wala kaming imikan lahat sa sasakyan. Biglaan ang pag- uwi namin dahil tumawag si Markus na hindi daw sya makakasunod sa dami ng gagawin. Ayoko naman ng mag- stay pa sa Tagaytay ng matagal dahil naiilang ako sa presensya ni Jared. Si Lance ang nagdadrive at si Jared ang nasa harap. Yung dalawa naman mga tulog na sa tabi ko, dala na din siguro ng nainom namin kanina. Ako kasi nawala ang hilo ko, para akong nahimasmasan sa naging pag- uusap namin ni Jared. Bumalik sa katinuan ang utak ko. Naisip ko tuloy, para lang kami nag- drop by vacation. Wala naman naidulot na maganda.. Well.. Meron. Nakuha ko ang gusto ko.

Pagkatapos akong halikan ni Jared, at sinabing lalayuan na nya ako, mabilis syang umalis at iniwan ako sa kwartong iyon. Natulala nga ako ng ilang sandali at kung hindi ko pa nadinig na tumatawag si Markus, baka hindi pa ako binalikan ng ulirat ko. Paglabas ko ng kwarto, hindi ako tinitingnan ng tatlo. Marahil alam na nila na may nangyari sa loob ng kwarto dahil ubod ng tahimik at seryoso ng mukha ni Jared ngayon. Wala na yung mapanuksong ngisi sa mga labi nya, wala na din yun mga nakakatunaw na titig nya. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Ito ang hiniling ko, kaya siguro ngayon, sinisimulan na nyang tuparin.

Mabilis ang byahe. Walang dalawang oras, nakabalik kami sa mansion. Nahahapo ang katawan ko. Matutulog ako ng maaga ngayon. Pagpasok namin sa loob, nagtaka ako at nakapatay ang mga ilaw sa poste. Ang dilim naman yata? Wala bang kuryente? Piping tanong ko. Maliwanag ang buwan at salamat naman dahil duon, naaaninag ko pa ang dinadaanan ko. Kasunod ko sa likod ko ang pupungas pungas na si Tin at Mira. Si Jared nagpatiuna na kanina pa. Samantalang si Lance, nanatili malapit sa sasakyan habang nag- uunat unat ng sarili. Nang sa wakas ay malapit na kami sa pintuan papasok sa mansion, biglang bumukas ang mga ilaw. Halos napatalon pa ako sa gulat dahil sobrang liliwanag ng mga ilaw.

"OMG Nic!!!" Tili ni Mira na ikinagulat ko. Tiningnan ko ang tinitingnan nya at nakita ko ang isang arrow sign na nakaturo sa bandang kaliwa. Dun ang garden ng mansion. Kumunot ang noo ko at napasulyap ako kay Jared, may kinalaman kaya sya dito?.. Pero dali ding napalis ang iniisip ko na yun, dahil bakas din sa mukha nya na nagtataka sya sa nangyayari. Sinundan ko ang arrow. Habang naglalakad ako papalapit, may nadinig akong tumugtog. Saan nanggagaling yun?.. Tapos may lumapit sa akin tsaka ako pinatungan ng animo koronang may iba't ibang bulaklak. May isa namang kumuha ng bag na dala ko. Wala na akong hawak at pinaglaro ko mga kamay ko. Saan ba ako pupunta!?.. Marahan akong tinulak ni Mira at Tin sa likuran at nagsimula na ulit ako maglakad.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon