CHAPTER 4

4.3K 138 21
                                    

—————

KIEFER

It's been two weeks since the last time I talked to Alyssa on the phone. Ang huli naming pagkikita nung binisita ko siya sa Paris and that was 1 year ago.


Minsan iniisip kong ayaw niya talaga akong makita, nung mga unang buwan pag nagtatanong ako kung nasan siya sinasabi niya pa sa akin pero ngayon hindi na puro "uuwi naman ako sa pilipinas, dyan na lang tayo magkita." 


Pero kahit nandito siya hindi din naman siya nagpapakita.


Nandito ako sa condo na binili ko para sa amin. Ayaw ko naman masabihin na irresponsableng asawa kaya binili ko to, regalo ko na din sa kanya. Hindi pa siya nagpupunta dito mula ng binili ko to.



Marami siyang picture dito, nung sa kasal namin sa Las Vegas, I don't know why pero ang ganda niyang kunan ng picture, she's beautiful with her fierce pictures but shes even more beautiful with candid and smiling pictures.


Photography is really my passion, kung hindi lang siguro nasa business ang mundo ni Papa malamang nasa photography industry ako. Kung dati puro buildings and beaches lang ang kinukunan ko, ngayon nahihilig akong kuhanan siya ng nga litrato.

Tumunog ang cellphone ko, at napakunot nuo ako sa Caller.

"Von's calling"

"Oh! Paps! Bakit? May problema?" I asked him.



"Paps! Nasan ka? Wala ka na ba sa office?" Tanong niya habang bumubulong pa.


Nagtataka ako kay Von "nasa condo na ko, Von. Why? And bakit ka ba bumubulong dyan?" I asked him habang naglalakad papunta sa kitchen ko, I put in on a loudspeaker and nagtimpla na ng kape ko.


"Eh, kasi kasama ko si Laura ngayon, Paps. She's in the bathroom lang, and I really need to talk to you." Sagot niya sa akin.


"Oh! Sige! Ano ba yun, Von? Hurry up! Mahal ang oras ko babayaran mo na to." Sabi ko habang umiinom ng kape ko.


"Did you saw the viral photos of Alyssa?" Sabi niya sa akin.

"Von, my wife is a model sanay na ko sa mga magazine covers niya na nagva-viral." I answered him.

"No, Paps iba to. The one that she's almost naked?" Dire-diretso niyang sabi.

Nasamid ako sa narinig ko. At napaso pa ko. "Awww. Sht! Von! Ano ulit yun?" Halos takbuhin ko ang laptop ko at nagsearch kaagad. "Fuck you! Von. Don't tell me tinignan mo, I swear Von kakalimutan kita pag tinignan mo yung mga yon!"



"Gago! Loyal ako kay Lau, tsaka si Lau lang ang nagsabi sa akin. Alam mo naman tong fiancé ko fan na fan ni Alyssa. Nagulat nga daw siya. Paps hindi pa naman ganon na lumalabas. I suggest gumawa ka na ng paraan." Sabi niya sa akin.


"Paps, isa pa nga pala. May kumalat na pictures niyo ni Alyssa, nasa Paris kayo nun. At dahil dyan pati ikaw damay sa issue na to."


"Sige na, ibababa ko na to. Thank you, Von. Pakisabihan yung apat na huwag tignan yung mga pictures baka anong magawa ko sakanila."


Pagbaba ko ang phone nakita ko na ang mga pictures na kumakalat ngayon. "Fuck!!" Naibato ko ang mga papel sa harap ko.

"Damn it! Alyssa!" I loosened my tie and clenched my fist. Gusto kong manuntok ng tao ngayon.


Dreams Into Reality (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora