Chapter 81

4.4K 66 11
                                    

NAVI POV

I never intended to make her sick or pahirapan siya. Hindi ko lang talaga mapigilan sa tuwing nakikita ko siya ang pagsabihan siya o kaya ang utusan siya.

Naiinis ako sa kanya kapag nakikita ko siya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil gustong gusto ko siyang nakikita.

Nababaliw na nga ata ako. Hindi kasi maipaliwanag ang gusto ko. Para akong naglilihi na ewan.

Gusto ko ang mga niluluto niya. hindi ko naman alam na magaling pala siya. Naalala ko noong nasa medschool ako ang mga binibigay niyang pagkain ay gawa ni Tita Mabel or ng katulong nila. Siya lang ang naglalagay nito sa magandang lalagyan at nagdadala sakin.

Sinasabi pa niya dati na kapag sinagot ko na siya mag-aaral na siyang magluto para sakin.

Hindi ko naman siya sinagot noon pero bakit ang sarap na niyang magluto? may ipinagluto ba siyang iba noong nasa Dubai siya or noong nasa Texas siya?

Kaya lang kapag nasa harap ko na ang pagkain ay iba naman ang hinahanap ko. It may look like i am giving her a hard time but i can't help it. I want the food she's cooking. Yung luto niya lang pero hindi yung pagkain na yun. tapos minsan kapag nailuto na niya ang gusto ko. mas gugustuhin ko namang kainin ang una niyang niluto. Ang gulo diba? kahit ako naguguluhan na rin sa gusto at ayaw ko.

May mga bagay din akong gustong gawin na hindi ko magawa dahil sa paa ko kaya si Armie ang kinukulit ko. I always want her to assist me. I love to see her annoyed. But when she cries. It hurts me too. nagiguilty agad ako sa mga sinabi ko.

Hindi ko alam. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit ganito ako sa kanya.

Yes i want her to pay for what she did to me and our daughter. But i don't want her to leave. hindi ko rin alam bakit nasabi ko yun sa kanya. siguro dahil alam kong hindi niya kayang iwan ang anak namin kaya kampante akong hindi siya aalis. 

ito na naman nga ako, akala ko hindi niya kayang gawin pero magagawa pala niya. ewan ko rin ba bakit Hindi ko rin makontrol ang mga nasasabi ko kapag kaharap ko siya.

Sabi ko nga gustong gusto ko siyang nakikita pero kapag nasa harap ko na siya naiirita na ako at gusto ko siyang pahirapan.

Gusto ko ng tawagan o puntahan si Ian because maybe something is wrong with me again. But i don't want to alarm him. It may look different to him, he might analyze it the wrong way. So i let it be. Baka mawawala din ang mood swings ko. Hindi naman ako babae pero bakit ganito?

Gaya na lang ngayon. I really want a pineapple juice that's why i asked Mie for it. But when i saw the milk of Paige gusto ko rin yun.

If i request a milk, she might think i am having difficulty sleeping so i requested a coffee. baka mag-alala pa siya, and when i saw the commercial in television about tea. Yun naman ang gusto ko. Ang gulo ko!

I plan to call Mie on her mobile but i received an incoming call.

Paul Samonte Calling...

I let him handle my case regarding the road traffic accident. Last update niya sakin ay ayaw makipag cooperate ng kabilang panig.

Hindi ko naman ginustong maaksidente. Wala din akong gustong madamay sa nangyare. It's just destiny playing with me.

ano naman kayang kailangan niya?

"Hello" sagot ko sa telepono.

"Navi. I called regarding Mr Apollo." sabi niya.

"I am listening"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now