Chapter 48

4.3K 52 1
                                    

ARMIE POV

Ngayon na ang simula ng araw ng pagpasok ni Paige sa school. Ako ang naghatid sa kanya sa school at hindi ko pinayagan si Nav.

Iniiwasan ko pa rin na baka malaman ni Nav ang totoo hanggat hindi ko pa nasasabi.

Naisip ko ng sagutin si Nav ngayon. okay na siguro ang mahigit isang linggo niyang panliligaw.

Okay i look easy to get regarding that part pero kasi naman ang tagal ko na siyang mahal at isa pa, ngayon pa ba ako magpapakipot ng husto eh may anak na kami?

Ang iniisip ko ngayon ay ang pagdating ng mga BFFs ko. May mahalaga daw silang sasabihin at humihingi na sila ng update sa panliligaw ni Nav.

Ilang araw ko na rin kasi silang iniiwasan at pahapyaw lang ang mga kwento ko. Kapag nagkita-kita na kami alam kong pipigain nila ako.

Pagdating ko sa bahay ay naghanda na ako ng pagkain ng barkada. Si Diane ay isasama ang anak niya pagpunta dito.

Miss na siya ni Paige at matutuwa yun pag-uwe kapag nadatnan niya sa bahay si Dan.

Half day lang din naman si Paige kaya magkikita pa niya si Dan, yun nga lang baka tulog.

"hello!" isang malakas na sigaw galing kay Kate ang narinig ko.

Nakabukas siguro ang gate kaya naman nakapasok ang babaeng to. wala kasi akong narinig na nag doorbell.

"Kate" kaway ko sa kanya. Tinatapos ko kasi yung graham mango float na ginagawa ko.

"wala pa ba sila?" tanong niya ng makalapit sakin. 

Ibinaba niya ang bag niya sa counter at tinignan ang ginagawa ko.

"wala pa. ang aga mo" sagot ko sa kanya.

" may pasok si Tom tapos wala rin akong kasama sa bahay kaya dumiretso na lang ako dito."

"hindi pa ako tapos mag-prepare" sabi ko.

"okay lang naman. para namang pihikan kami. kahit mag-order na lang tayo ng pizza ay okay lang. gosh! i'm craving for that. Padeliver tayo" sabi niya

natawa naman ako sa kanya. "wag na. gawa nalang tayo kung gusto mo."

"may ingredients ka dito? I mean kaya mong gumawa?" tanong niya.

"yep. yung simple lang. meron naman yung instant. may pizza dough na binili ni Mama eh" sabi ko.

"masarap naman kaya?"

"yep. gustong gusto din kasi ni Paige. at least kapag ganun ay napapakain ko ng gulay ang anak ko" sagot ko.

"okay sige na nga. anong sahog ba?"

"magtingin ka sa ref ng gusto mong ilagay" sabi ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Cass. 

"bakit ang busy niyong dalawa?" tanong niya samin.

busy na kasi ako sa pizza dough at si Kate naman ay sa mga toppings. Tapos ko na kasi ang graham ko at nasa ref na ito para lumamig.

"gusto kasi ng pizza ni Kate" sagot ko.

"sinabi niyo na lang sana para bumili ako" sabi naman niya.

"yun nga ang sabi ko dito kay Mie pero sabi niya homemade na lang daw." sagot sa kanya ni Kate.

"okay na to at least yung gusto mong toppings ang malalagay" sabi ko naman at tsaka ibinigay kay Kate ang pangatlong pizza dough.

Kinuha ko na rin yung tapos na niya at inilagay na sa oven.

"may maitutulong ba ako?"

"patapos na rin to Cass. tawagan mo na lang sila Diane. tanong mo kung nasaan na sila" sabi ko.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now