Chapter 40

4.8K 60 2
                                    

ARMIE POV

"wala ka bang nararamdamang kahit ano? nahihilo, nagsusuka o kahit ano?" tanong ni Nav.

inirapan ko naman siya bago sumagot "wala nga. alam mo yung kanina ka pa paulit-ulit ng tanong?" 

"sigurado ka? wala talaga?" di makapaniwalang tanong niya.

nagtataka naman akong tumingin sa kanya. may binubulong bulong pa siya pero wala naman akong naintindihan.

"Hoy Nav ano ka ba?" sita ko sa kanya "nawiwierduhan na ko sayo ah" 

"mee nag-aaway po ba kayo ni dee?" tanong ni Paige at lumingon pa samin.

"ewan ko dyan sa dee mo" sagot ko naman. kanina pa kasi siya tanong ng tanong ng walang kabuluhan.

tumingin kami ni Paige sa kanya at nginitian lang niya kami.

nababaliw na ata.

andito kami ngayon sa mall at kanina pa paikot-ikot rito. 

Andito kami dahil: una, bibili kami ng ireregalo namin sa magbibirthday sa linggo. pangalawa, para makabili ng susuotin ni Paige dun at pangatlo, para makapag-family bonding.

it supposed to be a mother-daughter bonding kaya lang si Nav ay naabutan kami kanina na nakabihis papuntang mall. ayun ang anak namin ang nag-aya na sumama siya mag-mall.

Shopping ang ginagawa namin ngayon. sana makatagal si Nav. So far naman ay okay pa siya. walang pagrereklamo. ako pa nga ang nagrereklamo dahil sa pagbabayad niya ng pinamili ko.

Si bebe girl naman ay baka matagal pang mapagod dahil naka wheelchair naman siya. 

buti na lang din at andito si Nav at may taga-tulak ng wheelchair niya.

ang kinaiinis ko lang ay kanina pa siya tanong ng tanog kung okay lang ba ako. kung may nararamdaman ba kong hindi maganda.

"Mie sigurado ka bang-"

"ano ba?!" singhal ko na. ang sama ng tingin ko sa kanya ngayon "ang kulit mo ah"

mukhang nagulat naman siya sa reaksyon ko kaya pinilit kong kumalma. napatingin ako kay Paige na ngayon ay busy na naman sa iPad niya. buti hindi niya napansin ang pagtaas ng boses ko. 

huminto na rin kami at nasa tapat kami ng Pizzahut dahil di na ko makatiis sa kakulitan ni Nav ngayon.

"ano ba talagang problema mo Nav? ang putla ko ba or something? bakit ba iniisip mo may sakit ako? wala akong nararamdam okay.  kaya nga andito tayo sa mall ngayon eh kasi kaya ko" i assured him.

"pero nung mga nakaraang araw. wala ka bang-" napatigil siya kasi sinamaan ko siya ng tingin "high blood ka na naman sakin. masama yan" pagbibiro niya.

"what's with you anyway?" tanong ko dahil kanina pa siya pasulyap sulyap sakin. tapos kapag titingin ako itatanong niya kung okay lang ako.

may mali kaya sa asta ko? tsss! this past days iniisip ko kasi kung paano ko ba maaayang makipagdate itong si Nav. 

OMG! obvious kaya sa itsura ko na may problema ako? lutang ba ko nitong mga nakaraang araw?

"may mali ba sakin Nav? may napapansin ka bang kakaiba kaya natatanong mo yan?" mahinahon kong tanong sa kanya. baka nga naman kasi I look like a prick to him kaya natatanong niya kung okay lang ba ako.

"wala naman. gusto ko lang malaman kung may nararamdaman kang kakaiba this past days."

"but do i look fine?" nag-aalangan tanong ko.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now