Chapter 64

3.4K 49 4
                                    

NAVI POV

Ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Pag gising ko kanina ay hindi ko mapigilang magsuka.

nagiging madalas na nga ito nitong mga nakaraang araw. ang hapdi tuloy ng lalamunan ko. wala naman akong nakain na masama. at kung sa pagkain naman ay bakit pagsusuka naman? Hindi ba dapat pagtatae?

Hindi tuloy ako makapunta kina Mie dahil nanghihina pa ako. Wala naman akong lagnat pero yung pakiramdam ko ay hindi talaga maganda. gusto ko lang matulog.

Buti na lang at nabilhan ko na si Paige ng regalo kahapon. Matapos ko kasing makapaghanap ng singsing kay Mie ay sunod kong hinanapan ng regalo ang birthday celebrant.

Hindi naman mahirap maghanap ng regalo kay Paige. Ang sabi nga ni Mie ay nahihilig nga daw siya sa barbie at tsaka kahapon din ay nagpapabili din siya sa akin nito. Hindi niya alam nabilhan ko na siya bago pa niya masabi.

Sabi nga ni Mie spoiled na sakin ang kapatid niya. hindi ko naman ikakaila yun. kahit na sandali ko pa lang nakikila si Paige ay mahal ko na ang batang yun.

RING

tinignan ko ang tumatawag. Si Ian

"hello" sagot ko

"ano? extended pa rin ang bakasyon mo? namimiss ka na ng mga pasyente mo" bungad niya.

"next week na" tinatamad na sagot ko.

babalik na ako sa trabaho next week. Inihahanda ko lang kasi ang proposal ko kay Mie. after tanggapin ni Mie ang alok kong kasal ay kailangan ko ng kumayod para mabigyan siya ng engrandeng kasal or maybe aayusin muna namin ang kasal bago ako papasok. Bahala na muna yun. Magleleave nalang ako kung kinakailangan. basta dapat ngayong taon ang kasal. Kailangan ko na rin kasi talagang pumasok. Hinahanap na nga ako ng mga pasyente ko. Baka iiklian ko nalang ang clinic hours ko para may oras pa ako sa mapapangasawa ko.

Hindi ko mapigilang mangiti isipin pa lang yun.

"masyado ka ng nag-eenjoy ah" pang-aasar niya sa kabilang linya.

"shut up Ian. kumusta ang iniutos ko sa inyo?" patungkol ko sa surpresang proposal ko.

"okay na! kinausap na namin yung staff sa resort"

"siguraduhin niyong maganda at maayos ah. gusto ko makuha ang tamang anggulo."

"oo na. magagaling ang mga nakausap namin." sagot niya. hindi ko naman mapigilang mapangisi.

"excited ka na?" tanong niya

"who wouldn't be? alam mo namang pangarap ko na to dati pa"

"tssss! mukha nga. pangalawang beses mo natong magkakafiancee eh"

natawa naman ako sa sinabi niya. "may bitterness lang?"natatawang tanong ko "kumusta kayo ni Mareen?"

bumuntong hininga siya "not good" sagot niya

"pinatatagal mo pa?"

"hayaan mo na muna kami. yung sayo muna ang isipin mo. kelan ba ang plano mong kasal"

"as soon as possible. maybe next month"

"hanep! iba na talaga ang mayaman"

"napag-ipunan ko na to at isa pa papasok na ako next week para madagdagan naman ang kita ko" natatawa kong sabi.

"yan tayo eh. bakit di mo na lang simulan ngayon."

"tssss! tama na nga ang usapang to. basta walang sisira sa plano."

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now