Chapter 02

8.3K 114 4
                                    

ARMIE POV

5 years 5 months ago...

"good bye" that's the last word I said to him before the door of the elevator closed.

Oo masakit, from pain scale of 1-10 ay nasa 10 na ang nararamdaman ko. walang kahit na anong gamot ang makakapagtanggal ng nararamdaman kong sakit ngayon.

Wala! Kahit pa 3rd or 4th or kung may 5th generation pa ng pain reliever ay walang maitutulong.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. pinakawalan ko ang lalaking pinakamamahal ko. mas pinili kong magparaya para sa ikasasaya niya.

Ang martir ko diba?

Masaya na kong malamang mahal niya ko, too bad wrong timing lang kami. ano nga bang laban ko sa fiancée niya? 3 years na sila. eh ako? limang araw lang niyang nakasama.

Siya ang nasa tabi niya nung nasasaktan ko na pala siya three years ago.

Siya ang bumuo sa taong mahal ko nung panahong dinurog ko ang puso niya.

Anong laban ng tanong nanakit sa taong bumuo sa kanya? talo ako dahil ako ang nanakit sa kanya noon kaya nararapat lang na masaktan ako ngayon.

Napakalayo ng gusto kong mangyare sa naganap ngayon. Akala ko kaya niya kong piliin kapag sinabi kong nabuntis niya ko, pero sa mga nangyare kanina, nagkamali ako. yung fiancée pa rin pala niya ang pipiliin niya hanggang huli.

Hindi ko maihakbang ang paa ko palabas ng elevator dahil sa sakit ng dibdib ko. pinipiga ang puso ko at hindi ako makahinga.

Nang papasara na ulit ang elevator ay pinilit kong makalabas. Kailangan kong marating ang unit ko bago pa ko bumagsak rito.

Mabagal pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko para makausad ako.

"ate ganda" sigaw ni Nabi, ang batang lalaking kapitbahay ko.

"okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Bakit mo hinabol si kuya pogi?" tanong niya.

Ang kuya pogi sigurong tinutukoy niya ay yung taong dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

hindi ko siya masagot kahit gusto ko. may nakabara sa lalamunan ko na nagiging sanhi ng pagka speechless ko.

"ate ganda" tawag niya.

Napasandal ako sa dingding. Iba na tong nararamdaman ko.

"ahhh" napahawak ako sa tyan ko.

"ahhhh" sigaw ko. nataranta si Nabi at biglang umiyak. gusto ko siyang patahanin pero ang sakit ng tyan ko. OMG! My baby!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. masakit ang tyan ko, masakit din puso't dibdib ko.

"Armie" isang sigaw galing sa babae ang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.


---

may naririnig akong nag-uusap na dahilan ng pagmulat ko ng mata. Puting kisame ang bumungad sakin. Hindi ko to kwarto. Mint green ang kulay ng kisame sa kwarto ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang swerong nasa kanan ko.

itinaas ko ang kamay ko at nakita kong nakakabit ito sakin. Nasa ospital ako. yun ang sigurado.

"Mie gising ka na. thank God.kumusta ang nararamdaman mo?"

napatingin ako sa nagsalita.

"Diane" tawag ko sa pangalan ng pinsan ko. naramdaman ko ang pagkapaos ng boses ko. "tubig"

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now