Chapter 33

4K 70 2
                                    

ARMIE POV

muntik na naman yun! ang anak ko talaga ang kulit kulit. nasuhulan lang ng daddy niya bumigay naman.

tama nga si Diane kawawa ako sa mag-ama ko kung sakali mang magkabistuhan na. magkakampi sila eh.

kung di pa ko dumating masasabi na niyang isang pamilya kami at anak namin siya. buti nakasingit ako kaagad.

iba pala talaga sa pakiramdam to. kailangan ko nga atang lumaklak ng marameng lakas ng loob.

Hinid naging tahimik ang pagkain namin dahil ang daming tanong at kwento ni Paige. Minsan nakikisingit din ako sa kanilang dalawa pero madalas sila lang dalawa.

Si Nav ang umaasikaso sa anak namin. okay lang naman na ako na ang kaso siya na daw.

"kumain ka lang dyan. mukhang ayaw mong paistorbo eh" natatawang sabi niya

"Nav"

"joke lang baby. just eat mukhang mas gutom ka pa sakin eh" nagulat ako sa sinabi niya at mukhang siya ay walang napansin. 

did he just called me baby?ako o si Paige ang tinutukoy niya?

"sweetheart ayusin  mo ang pagkain." sabi niya at kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig ni Paige.

mas lalo tuloy akong naguluhan. why would he still call me baby?

patuloy lang naman ang kain ni Paige at si Nav ay sinimulan na ang paghimay ng isda. Mahilig kasi sa isda ang anak ko. 

Kaninang pananghalian ay yan din ang kinain niya. ngayon yan na naman. hindi naman siya kumakain ng bopis at ayoko siyang pakainin. saka na yun kapag medyo malaki na siya.

Ang kalat kumain ng anak ko pero hindi naman nagrereklamo masyado si Nav. Pinagsasabihin lang si Paige. 

Ang masasabi ko lang ay 'masarap talaga ang bopis ni Mama'. kahit si Navi ay maganang kumain. o baka talagang gutom lang siya.

"wow ang ganda naman ng view. isang happy family" masayang sabi ng extra kong pinsan.

napalingon din sina Nav at Paige sa kanya.

"couz" madiin na tawag ko sa kanya. Naku mabubuko kami nito eh.

"hindi mo pa nasabi?" bulong niya pero mukhang rinig naman. napairap naman ako.

"mamaya kami mag-uusap. sila Mama?" tanong ko

"may pinag-uusapan pa sila nila Paul eh." tanging sagot niya. "kain ka lang ng marame Navi. baka mamaya hindi ka na makakain"

ngumiti lang naman si Nav at nagpatuloy sa pagkain.

sinamaan ko naman siya ng tingin. "what do you mean by that?"

lumapit si Diane at may binulong sakin "malay mo pag nagkaaminan na kayo. iba na ang gusto niyong tikman. at least may reserved energy kayo"

nanlalaking matang tinignan ko siya at ngumiti lang ang gaga "joke lang couz" sabi niya sabay tawa

bwisit to! ang halay talaga ng utak.

"nasaan po si Dan?" tanong ni Paige at nakatingin kay Diane.

"nasa garden bebe girl. inaantay ka na niya dun para magplay na kayo"

napatingin naman si Paige sakin. tinignan ko ang pagkain niyang di pa nauubos.

"mee magplay lang ako" paalam niya sakin.

"hindi ka pa tapos kumain Paige" sabi ko. kalahati pa lang ang nauubos niya.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now