Chapter 89

4.7K 58 2
                                    

ARMIE POV

Nakausap ko na si Tita Carlie at naipaalam ko na ang mga nangyare. Nagtampo nga siya dahil hindi ko man lang pinaalam kaagad. Nakita lang daw niya sa fb accounts nila Candy ang mga nangyare sa buhay ko this past days.

I mentioned na hindi naman ako mahilig sa social medias at kahapon ko lang ulit inopen ang fb ko after ilang months. Alam naman niya yun pero kailangan ko lang ulit sabihin dahil matagal na talaga ang huling facebook ko.

Ang dame ko ngang message sa mga kaibigan ko sa Texas. Ang phone number ko sa Texas ay hindi ko na rin nagagamit. Nung nalobat ni Paige yun ay hindi ko na naicharge.

I sent my resignation through email. Wala na kasi akong balak na bumalik pa sa Texas, alam ko rin namang hindi ako papayagan pa ni Navi. At dahil sa barkada nila yung EWGH ay baka magpermanent na kami dito sa Pinas. and then, Another baby is coming tapos may wedding pa akong ipaplano. malabo na talaga. Bakasyon na lang siguro kami makakabalik ng US.

sobrang bilis kasi ng mga pangyayare. parang kelan lang kakauwe ko lang ng pinas then biglang sumulpot si Nav at nagulo na. nagpanggap siyang si dee, nalaman kong hindi siya kasal, then nalaman kong kasal kami, tapos nalaman niyang anak niya si Paige. Tapos may another baby na darating. Yung kaso pa namin, nagkaproposal pa. Yung kasal ni Carlo tapos yung proposal ni Bryan. Ang dame ng nangyare wala pa mang isang taon.

Naging busy ang buhay ko dito simula ng bumalik ako. Ngayon na nga lang ako narelax ng ganito.

"Happy birthday baby" isang halik sa pisngi ang naramdaman ko.

"Bukas pa ang birthday ko. Kagigising mo lang?" Tanong ko.

"Yes. Sorry pagod ako kahapon sa hospital tapos nagdrive pa ako kanina. Bakit magisa ka dito?" Tanong din niya at umupo sa tabi ko.

"Nililibot nila ang buong island. Ayokong maglakad lakad eh. Nagpapahangin lang ako." sagot ko.

Napagkasunduan kasi naming pamilya na icelebrate ang 31st birthday ko dito sa potipot island sa Zambales. Kasama namin ang halos buong angkan namin at mga kaibigan. Halos kami lang ang taong makikita sa buong isla.

After lunch kami nagbyahe at hapon na ng makarating kami. Umidlip si Nav at ang iba dahil sa pagod. Nagpresinta nga si Danny na magdrive samin pero kaya na daw niya. Exercise na rin daw sa paa niya.

Okay na siya ngayon. After ko sigurong manganak ay ipapatanggal na niya ang mga plates sa paa niya para mag-heal ang sugat bago ang kasal namin.

He agreed na paunahin ng makasal sina Bryan at Janna. sabi nila masmaang pamahiin daw ang pagpost pone ng pagpostpone ng kasal, pero wala pa naman kaming nauumpisahan ni Navi. as in zero pa, sabi ko kasi ako na ang aasikaso after ko manganak. eh matagal pa naman yun kaya wala pang kahit na list ng sponsors.

Pinanindigan ko ang pagiging mabait na asawa dahil kapag may gagawin ako na ayaw niya ay ipapaalala niya ang deal namin.

Nakakainis na nga minsan pero wala naman akong magawa. Alam ko namang concern lang siya pero nakakainip na ring walang ginagawa. Ayaw kasi niyang bumalik kami ng fairview. Sa antipolo na kami nakatira. Pwede na kasing tirhan yung bahay namin.

Siya ang naghahatid kay Paige sa school kasi malapit lang naman yun sa hospital. Nagsimula na rin siyang magwork kaya naiiwan akong mag-isa. Minsan gusto kong mag mall or magbyahe pa fairview pero ayaw niya. Si Paige sinusundo nila Papa o kaya nila Tita Scarlet after ng class niya tapos dadaanan nalang ni Navi kapag pauwe na siya dito.

Ayoko ng set up na yun. Kahit maganda ang bahay namin sa Antipolo mas convenient pa rin samin sa fairview dahil malapit lahat doon. Ang parents namin, ang work ni Nav, ang school ni Paige. Sabi naman ni Navi masasanay din daw ako kapag nagtagal lalo na at Lilipat na rin sa antipolo si Paige next school year.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now