Chapter 44

4.3K 61 8
                                    

NAVI POV

"saan ang lakad mo at nagmamadali ka?" tanong sakin ni Ian. 

Andito kasi kami sa suite namin sa hopsital at katatapos lang ng interview.

"may dinner kami ni Mie" kaswal na sagot ko

"date?" tanong niya.

"you could say that." ngising sagot ko naman. 

kanina pa ako excited na matapos ang interview dahil doon. naging maganda tuloy ang mood ko the whole interview.

"walang kapatid na kasama?" di makapaniwalang tanong niya

ngumisi ulit ako bilang sagot. kahit ako ay nagulat na pumayag si Mie na lumabas kami ng hindi kasama si Paige. i just took my chance a while ago. good thing she said yes.

"at least nag-momove forward kayo. ask her to go out of town." sabi niya

kumunot ang noo ko sa sinabi niya. that's too much to ask for now and i bet in that case i would need Paige help.

"i'll see" i said. 

alam ko gusto ni Paige ang umalis kami. hindi ko lang mailatag kay Mie ang plano dahil mukhang hindi siya interesado. Ang dating kasi kapag kami lang ni Paige, ay kami lang ni Paige. madalang lang siya sumali sa usapan at laro namin. yung bang hinahayaan niya kaming dalawa ni Paige na magkaroon ng bonding time. 

kaya napamahal na sakin si Paige dahil kami naman ang laging magkasama kapag nasa Perez ako. nagmukhang siya tuloy ang nililigawan ko.

"ask her later. dude ilang linggo na ang pinalipas mo. paano kapag dumating ang boyfriend niya or umalis siya dahil sa work niya. you're wasting your time" payo ni Ian.

"I'm taking it slow" sagot ko.

"Usad pagong ka"

"Just shut up and let me finished"

Wala akong pakialam sa sinasabi niya ang mahalaga ay may lakad kami ni Mie ngayon. yung ngayon muna ang iisipin ko. saka na ang problemang sinasabi ni Ian.

"Next month ang release ng magazine kung saan feature tayo. Sana by that time sayong-sayo na si Mie" sabi niya.

"Wag mo nga kasing madaliin" sita ko sa kanya.

Ngumisi siya tapos umiling " wala na talagang hihigit sa kakornihan ng taong in love" komento niya pa.

"Shut up Ian. You better manage Mareen cause you're in trouble. Good luck sayo pre"

We actually look like fools during the last part of interview where they asked us about our love lifes.

The topics are good. Kahit na may naungkat sa past ko hindi naman yun ang mga bagay na ayaw kong pag-usapan.

Mostly achievements ko and experiences. Nagtanong din sila sa pamamalakad namin sa EWGH at mga maiooffer nito sa tao. ngayon kasi ay unti-unti ng nakikilala ang hospital namin.

They also asked about my family and lastly my love interest.

My break up with Mareen came up but we just took it as a joke because of Ian.

He's totally whipped by my ex fiancee.

I almost thought he would propose right there, good thing he didn't. but in his answers he's giving us ideas of what we will expect soon.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon