Chapter 27

4.4K 69 2
                                    

NAVI POV

Naglakad lang uli kaming dalawa pabalik ng hospital. kailangan yun para naman bumaba kahit papaano ang kinain namin. Naparame din ako ng kain. sigurado ako na pagpasok ko sa kwarto ko ay bagsak na ko kaagad.

Antok na antok na kasi ako pero pinipilit ko na lang ang katawan ko. kailangan ko tong tiisin para mas matagal pang makasama si Mie.

"Inaantok ka na no?" tanong ni Mie.

napatingin naman ako sa kanya at tsaka umiling.

"nakailang hikab ka na kaya. papunta pa lang tayo sa carinderia kanina hikab ka na ng hikab" sabi niya.

"nabilang mo ba?" pagbibiro ko.

"oo, mga 34 times na"

nagulat naman ako sa sinabi niya "seryoso?"

siya naman ang tumawa ngayon "malamng biro lang yun. but seriously Nav. matulog ka na muna mukha naman di ka pa kailangan ng mga pasyente mo. sagarin mo na ang paglalakwatsya mo during work. wala ka rin namang tawag magmula pa kanina" sabi niya.

paanong may tatawag sakin eh hindi naman talaga ako duty ngayon.

" mamaya na ihahatid na muna kita sa room ni Paige" sabi ko.

 "naku wag na" tanggi niya.

"okay lang naman" para makasiguro rin ako na  wala na ka ring pupuntahang iba.

"ano kasi eh-"

"ano?" tanong ko ng di niya matuloy ang sasabihin niya "may bibilhin ka pa ba?"

"ha? ano. wala" tanggi niya kaagad.

"so tara na?" abot ko pa sa kamay ko.

"wag mo na kong ihatid. baka isipin ng mga nurses pa-VIP kami"

"VIP naman kayo." sagot ko at ibinaba na ang kamay ko. mukhang wala naman siyang balak abutin yun.

sa ward 3 kasi ang pinakamaganda at pinakamahal na rooms ng EWGH.  "nasa presential suite kayo ng hospital eh" sabi ko. ang room 300-302 kasi ay presential suite ng hospital namin.

"talaga?"  nanlalaking matang tanong niya. napangiti naman ako sa reaksyon niya.

"yep. I bet mas magaganda pa rin ang presidential suite niyo sa Texas" sabi ko

tumango naman siya.

"mukhang high class ang hospital kung saan ka nagwowork ah" sabi ko.

"you can say that. pero marame namang magagandang hospitals dun at tsaka may mga tinatayo pang bago. but still maganda pa rin ang room dito ah. homey ang pakiramdam kaya rin hindi masyadong nagrereklamo si Paige" sagot niya.

"choosey ba ang kapatid mo?" tanong ko.

"tsss! oo! maarte yun parang ikaw" natatawang sabi niya.

"maarte ah" taas kilay kong sabi.

"well hindi na siguro ngayon. I mean you're a doctor now. many kind of disease na ang naencounter mo. tapos kumakain kana sa carinderia ng hindi pinipilit. marame na talagang nagbago" sabi niya at tinignan ang kabuuan ng hospital. 

"marame na ngang nagbago" yung nararamdaman ko sayo ang hindi.

"wag mo na kong ihatid. matsismis pa tayo" sabi niya at nauna ng maglakad.

so what?

sinundan ko lang naman siya.

"saang floor ka?" tanong niya ng nasa elevator na kami.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now