Chapter 74

3.6K 65 1
                                    

ARMIE POV

"Lalabas lang ako. Wag masyadong malikot Paige ah. Take care of dee" sabi ko bago lumabas ng silid ni Navi.

Walang pinagbago ang pakikitungo sakin ni Nav ng bumalik kami after naming kumain.

Nagawa nga niyang ipaalam sakin ang gusto niyang mangyare bukas sa birthday ni Paige ng hindi ako kinakausap. More on si Paige at gusto ni Paige ang tinatanong niya. Kapag tuloy umoo na ang isa sa kanilang dalawa yun na ang plano. Ni hindi man lang nila ako siningit. Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako.

Hindi naman ako makaalma kay Nav. Parang under ako sa spell niya. Ni hindi ko magawang tumutol sa mga sinasabi niya dahil wala namang dahilan.

Pagkalabas ko ng room ni Nav ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Na-stress ako kahit na ayoko.

He's cold treatment makes me emotional at ayokong umiyak or magdemand sa kanya lalo na sa sitwasyon naming dalawa.

Habang naglalakad ako sa hallway ng hospital ay nakasalubong ko si Mareen. Pareho kaming natigilan ng makita ang isa't isa.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin or sabihin. Gusto kong magalit sa kanya pero naisip ko kasalanan ko naman ang lahat-lahat. After ng mga nalaman ko kay Air? Kahit papaano ay naiintindihan ko siya.

Nilampasan ko siya dahil wala naman akong sasabihin. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako.

Lumingon ako. Inantay ko ang sasabihin niya at ilang segundo lang ay naglakad siya papalapit sakin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"Look Mareen I am tried. Ang dame ko ng problema. Kung tungkol na naman to sa usapan natin please spare me now. Hayaan mo muna akong mag-isip dahil ang sakit na." Puno ng pakiusap ko.

Kapag nag maldita pa siya baka hindi ko na mapigilan ang sarili at pisikal ko siyang masaktan. yun ay kung kaya ko pa, dahil sa totoo lang pagod na ako. Kahit wala naman akong ginagawa pagod na ang pakiramdam ko.

" gusto ko lang humingi ng sorry." Sabi niya "sorry sa mga sinabi ko. Sorry for the blackmailing I made. Sorry for hurting you and your daughter"

Tumango lang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Gaya ng sinabi ko pagod na ako, stress pa ako.

Nagtangka akong umalis ngunit pagtalikod ko kay Mareen ay biglang umikot ang paningin ko.

Naghanap ako ng makakapitan at napahawak ako sa ding-ding.

"Armie okay ka lang?"

Naririnig ko siya pero ang paningin ko ay nagiging malabo, ang katawan ko ay bumabagsak at wala akong lakas para makontrol ang katawan ko.

Rinig ko ang paghingi ng tulong ni Mareen. Gusto ko siyang pigilan dahil alam ko sandali lang ito. Alam ko pa ang nangyayare sa paligid ko yun nga lang malabo ang paningin ko, nahihilo ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Shit! What is happening to me?

Naramdaman ko ang pag-angat ko sa semento. Kinakausap nila ako. I am responding. I know I am.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now