Chapter 03

6.9K 102 0
                                    

ARMIE POV

Akala ko noon ang tanga ng mga babaeng humahabol habol sa mga lalaking ayaw sa kanila o ayaw na sa kanila. 

I mean why chase someone who doesn't want to be chased? Sasaktan mo lang lalo ang sarili mo.

Di ko lubos naisip na mangyayare pala sakin ang bagay na yun. Kapag pala nagmahal ka lahat ng reasons na alam mo ay hindi mo masusunod. Mabubulag at mabubulag ka din gaya ng nangyare sakin.

Last year ko sa college ng mainlove ako. akala ko noong una ay simpleng crush lang, hanggang sa lumalala na at umamin ako ng nararamdaman ko sa kanya. 

hindi ko naman siya gusto noong una, naiinis nga ako sa kanya noon dahil na rin sa mga pang-aalaska niya sakin pero di ko nga talaga hawak ang tadhan dahil pinasok nito hindi lang ang buhay ko kundi ang puso ko.

kung tutuusin taliwas siya sa lalaking pinangarap ko pero nainlove pa rin ako sa kanya. ang masama dun ay may nililigawan siyang iba. kaibigan lang ang turing niya sakin.

sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil hindi ko ugali ang ipilit ang sarili ko sa taong walang gusto sakin o hanggang kaibigan lang ang turing sakin. Pero iba siya,iba rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

ang paninindigan ko sa buhay ay naglaho ng makilala ko siya. my first love, my first kiss, my first in everything.

Niligawan ko siya. pucha isang taon ko siyang niligawan nung nalaman kong wala na siyang girlfriend. Ang dame kong pakulong ginawa para lang magustuhan niya ko. kinaibigan ko ang mga kaibigan niya. Sinuyo ko ang pamilya niya. Inaaway ko ang mga babaeng may gusto sa kanya. binakuran ko siya kahit alam kong hindi siya akin.

Naiinis siya sa mga ginagawa ko. kung dati masaya siyang kausap ako, biglang naging malamig na siya sakin. kung yung iba natutuwa na may nagkakagusto sa kanila, iba naman siya. imbis na matuwa, nilalayuan niya ko. 

ilang beses niya kong pinatigil sa ilusyon ko. pero anong magagawa ko? mahal na mahal ko siya at ayaw kong sumuko hangga't kaya ko pa.

Pakiramdam ko kasi noon mahal din niya ako. diba? bakit lagi niya kong kinukunsinti sa mga ginagawa ko sa kanya? bakit siya pumapayag sa mga dates na inaalok ko? bakit niya ko hinahayang gawin ang gusto ko kung kahit kaunti ay wala siyang gusto sakin.

Umasa akong mamahalin niya ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya, pero sa huli narealize ko na masakit pala ang mahalin siya. masakit ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi ka naman gusto. Masakit masabihan na walang kwenta ang efforts mo. masakit makita na kahit anong gawin mo walang halaga sa kanya ang ginagawa't sinasabi mo. masakit mahalin ang taong kahit kelan hindi masusuklian ang pagmamahal na kaya kong ibigay.

Umalis ako ng Pilipinas at pumuntang Dubai para lang makamove on. Pero tang ina kulang pa ang tatlong taon para makalimutan ko siya.

Tatlong buwan pagkaalis ko ng Pinas noon ay nalaman kong may girlfriend na siya. ganun lang kadali para sa kanya ang palitan ako samantalang ako halos mamatay na sa paglayo ko sa kanya. pinatunayan lang niya na ako ang hadlang kaya hindi siya pumapasok sa isang relasyon. ngayong wala na ko malaya na siya magmahal.

Isang taon bago ako nagkalakas loob na kausapin siya kahit sa chats lang. akala ko okay na ko. akala ko wala na kong feelings sa kanya. akala ko naka move on na ako pero pagkalipas ng tatlong taon, ng bumalik ako sa Pilipinas at magkita kami, nalaman ko na natutulog lang pala ang feelings ko sa kanya at hindi kailanman nawala. 

hanggang ngayon after all those years, after all the pain I've been through, mahal ko pa rin pala siya.

We shared five days in a place no one can recognize us. Nagbakasyon kami ng kaming dalawa lang. Sa panahong iyon mas lalo ko siyang minahal. Mas lalong ayaw ko na siyang pakawalan.

UNBEARABLE Desireजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें