Chapter 61

4.3K 77 2
                                    

DIANE POV

Andito ako ngayon sa hospital. Pinuntahan ko ang clinic ni Mareen ang kaso ay wala pa daw siya. Siya ang gusto ko munang makausap dahil siya ang may pinamalaking motibo sa pagsabi ng katotoohan kay Nav ng wala sa oras.

Sa asta palang niya kagabi ay alam kong mahirap na siyang kausapin. Kailangan ko siyang kausapin para sa amin at kay Armie.

Siguro naman kapag napaliwanag ko na ng mabuti ay maiintindihan niya. Hindi naman siya ang involved dito pero mas maganda na rin na wala kaming kaaway. kami ang dehado sa laban na ito dahil kami ang nanloko.

Kahit na si Navi pa rin ang biktima at may karapatang magalit at magsampa ng demanda sa amin ay malaki pa rin ang kontribusyon ng mga kaibigan niya. mahirap ng masulsulan si Nav. he will be blinded from the real reason.

Kailangan lang ng proper understanding sa problemang ito.

nag-antay ako ng labing limang minuto pero wala pa rin siya. kaya naman pinagpasyahan kong si Ian na lang muna ang kikitain ko.

Nasa 4th floor daw ang clinic niya. 

Akalain mo yun psychiatrist pala siya. eh mas mukha pa siyang pasyent kesa doctor eh.

Pinuntahan ko siya sa clinic niya at kumatok. isang lalaking nurse ang nagbukas ng pinto

"andyan ba si Doctor Salcedo?" tanong ko

"yes mam. may appointment po kayo?" tanong din niya.

"wala. gusto ko lang siyang makausap"

"med rep?" tanong niya

"no. pakisabi si Diane. kilala niya ako" sabi ko sa  kanya.

"sandali lang po mam" sabi niya at tsaka pinagsarhan ulit ako ng pinto.

ilang segundo lang ay si Ian na ang lumabas na kinagulat ko.

"good morning" nakangiting bati niya.

"good morning" medyo awkward na sagot ko.

"magpapatingin ka?" tanong niya.

inirapan ko naman siya "mukha ba akong may sakit sayo?" sarkastik kong tanong na kinatawa niya.

baliw! siya talaga ang pasyente eh! tumatawa ng wala namang nakakatawa.

"then is it about what happened last night?" tanong niya

napatingin naman ako sa paligid bago tumango. 

ano pa nga bang dahilan di ba? wala namang ibang rason para puntahan ko siya dito maliban dun.

mukhang nagets naman na niya ang gusto kong iparating kaya naman tuluyan na siyang lumabas ng clinic niya.

"you want to eat?" tanong niya "nagbreakfast ka na?"

"yes, kumain na ako. gusto lang talaga kitang makausap" sagot ko. "kayo ni Mareen" bulong ko.

tumingin siya sa paligid bago tinawag yung nurse niya "Raven" rinig ko pang tawag niya

"yes doc?" tanong nung nurse

"tawagin mo nalang ako kung may pasyente. " sabi niya at hinila na ako paalis dun.

napalingon ako sa nurse na mukhang nagtataka sa nangyayare. ginawaran pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Aba! bakla ba siya? kung makasuri ay wagas lang.

"oh anong tinitignan mo? type mo ang nurse ko" rinig kong tanong niya.

"tinignan lang type na? hanep ah" irap na sabi ko.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now