Chapter 66

3.7K 49 5
                                    

ARMIE POV

Kanina pa ako nag-aantay dito sa bahay. Ang sabi ni Nav ay pupunta siya kaagad. Inip na inip na ako sa kakapanood ng movies pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. 

Ayokong magsimulang manood ng koreanovelas dahil alam kong pagpupuyatan ko iyon. Ganun kasi ang gawain ko kapag nasimulan ko na ang panonood.

Umalis sila Mama at Papa. Pupunta daw sila sa office. Kahit na kasi si Bryan ang humahawak nito ay nakikisama pa rin sila lalo na't naiinip sila. Si Paige naman ay mamaya pa ang labas.

I texted Nav pero walang reply. Ano bang aasahan ko eh naiwan nga niya ang phone niya. 

Bakit kasi sa dinami dami ng maiiwan ay yung mahalaga pa?

BEEP

Agad kong tinignan ang message ng marinig ko iyon.

From: 0910*******

Still doing nothing? I hope your cousin-in-law is doing good.

Kahit hindi nakasave ang number ay may hinala na ako kung sino ang nagpadala nito.

Agad akong pumunta sa call logs ko at hindi nga ako nagkamali. Si Mareen ito. Yun din kasi ang number na gamit niya ng tawagan niya ako nung isang araw.

To: Mareen

Don't drag anyone in our fight Mareen!

From: Mareen

Time is ticking and I'm serious. It will be more than what is happening now.

Nanggigil ako bigla. So may kinalaman talaga siya sa problema nila Paul at Diane ngayon.

To: Mareen

Why are you doing this to us?

From: Mareen

I'm asking you the same thing. Why are you doing this to US? Don't act like you're the victim here Armie.

To: Mareen

I am not. You're the one who's making everything complicated.

From: Mareen

Wait for my next move. Chow!

"Ahhhh" napasigaw ako sa sobrang inis ko sa kanya.

"Ate okay lang kayo?"

Napatingin ako kay Linda tsaka umiling. Umalis din naman siya agad.

Nakakainis na buhay naman to oh! Do I have to stress myself like this?

Napahawak ako sa tyan ko. hindi pala ako pwedeng magpa-stress dahil may laman ang tyan ko. 

Hindi pa rin ako nakakapagpacheck up. Anything to do with my baby ay wala pa akong nagagawa. masyado kasi akong focus sa problema ko at hindi ako makahanap ng tyempo, lalo na at si Navi ay lagi kong kasama.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon