Chapter 04

5.8K 102 0
                                    

ARMIE POV

Nang malaman ng pamilya ko ang nangyare ay dinumog nila ko sa Dubai para makita ang unang apo nila.

Di maiiwasan na pagalitan ako nila Papa nung nagkita kami pero inintindi nila ako at ang kalagayan ko. Hindi pa talaga ako handang pag-usapan ang mga nangyare.

natuwa sila kay Paige at ganun din ang mga kapatid ko. inusisa nila ako tungkol sa ama ni Paige pero desidido akong wag ipaalam kung sino.

Matinding pagtatalo ang naganap hanggang wala na silang nagawa. Ang sabi ko ay sasabihin ko rin kapag handa na ko at sa mga oras na to ay hindi pa. masakit pa rin kapag siya ang pinag-uusapan namin.

"ate" tawag sakin ni Danny

"yes?" tanong ko pero ang paningin ko ay nakay Paige na pinapadede ko.

"okay ka lang?"

"I'm okay baby. Bakit?" ngayon ay nakatingin na ko sa kanya

"tsss! May baby ka na baby pa rin ang tawag mo sakin" reklamo niya.

"ahahahah. Ikaw pa rin ang baby ko eh" pang-aasar ko. ayaw na ayaw kasi niyang binebeybi ko siya lalo na ngayong 19 years old na siya.

"pwede ba ate. College na ko."

" I know" ngiting sagot ko sa kanya. Psychology kasi ang kinukuha niyang course.

"ate siguradong okay ka lang? Wala ng depression or something?"

"Dan I'm fine. matagal na yun." Patukoy ko sa nangyare 3 years ago.

Nadepress kasi ako nung unang beses na naghiwalay kami, buti na lang at nandyan sila sa tabi ko. lalo na si Ann na tinuruan akong makipagkarera as a stress reliever ko noon.

"sure? Baka naman pinapakita mo lang yan para di kami mag-alala."

"Danny okay lang si ate. Matured na ko ngayon. Lalo na at may anak na ko. wag mo na kong intindihin. Yung pag-aaral mo na lang ang isipin mo. Ano palang balak mo pagkagraduate?"

"mag memedicine ako."

"wow! Seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ko. 

medicine? He reminds me of someone.

"oo" sagot niya.

"good luck" nakangiti kong sabi.

Dapat kasi mag memed din ako ang kaso ayoko ng mag-aral ng sampung taon pa. I mean nag-aral na ko ng 4 years tapos kapag nag medicine ako mag-aaral pa ko ng sampung taon. In total 14 years of studying para lang dun? Ayoko!

Besides hindi kakayanin ng utak ko ang pinag-aaralan sa med school. Hindi din naman ako ganung katalino though may nagsabi sakin na ang pagmemedisina ay disiplina lang. walang taong bobo at matalino basta may tyaga kang mag-aral papasa ka.

Pero kahit may word of wisdom na galing sa kanya ay hindi ko pa rin pinakinggan yun. Gusto ko na rin kasing magkapera noon at ayoko ng mag-aral.

"ate if you have a problem-"

"I know. Sasabihin ko sayo. wag mo kong intindihan. My depression stage is over baby. Masaya na ko. can't you see. I have Paige with me now." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Nakita kong ngumiti siya sakin. alam ko nag-aalala lang siya. close kami ni Danny eh. as in magkasundong magkasundo kami. hindi ko matandaan kung nag-away na ba kami ng matindi gaya ng away namin nila Bryan at Candy. Kaya naman naiintindihan ko ang concern niya sakin. kung tutuusin si Danny ang pinaka matured saming magkakapatid kahit siya ang bunso.

Pare-pareho kami ng ugaling tatlo. Itong si Danny lang ang seryoso sa buhay. Wish ko lang wag siyang tumandang binata.

Di nagtagal ay umalis na rin sila sa Dubai except kay Mama na nag-alaga kay Paige. Kinuhanan ko si Mama ng working visa under sakin para makapagstay siya ng matagal sa Dubai para may katuwang ako sa pag-alaga kay Paige.

Hanggang sa magkausap ang Papa at si tito James na nasa Texas. Inengganyo niya kaming umalis ng Dubai para tumira sa kanila.

Napagdesisyonan namin dun na lang ako magwork para naman may pamilya akong kasama. busy din kasi talaga si Ann lalo na ang lumalago na ang business na pinapasok nito.

Tsaka in demand ang mga nurses ngayon dun sa Texas kaya mas maganda kung doon ako magtatrabaho.

Pangarap ko na rin namang sa Amerika magwork noon pa man kaya naman nagtake ako ng NCLEX at IELTS. Buti naipasa ko kaya naman naging madali na ang paglipat ko roon lalo na at si tita Carlie, na asawa ni tito James, ay nurse din na katulad ko.

the rest is history. After 2 years in Texas, kinasal na si Cands at napagpasyahang iuwe ng Pinas si Paige. Namiss na rin kasi ni Mama si Papa at gusto na niya itong makasama lalo na't si Bryan na ang humahawak sa negosyo ni Papa.

Si Mama ay ayaw mapalayo kay Paige kaya ako na ang nagparaya. I love my daughter pero alam ko mas maalagaan siya nila Mama dahil nagwowork ako. inayos ko ang lahat ng papeles ni Paige sa tulong na rin ni Paul.  so far so good naman.

Everyday akong tumatawag para kumustahin ang bebe girl ko. siya ang nagpapawala ng pagod ko sa work. I love her very much kaya naman ng maaksidente siya ay halos magunaw ang mundo ko.

And now I'm back in the Philippines.

Bakit kaya ganito ang nangyare? Wala pa kong 24 hours sa Pinas. 1 hour pa nga lang ata ang lumipas eh pero binabalik na sakin ang nakaraang tinatakasan ko. bakit naging ganito ang bungad ni Lord sakin?

"Mie?" tawag sakin ng lalaking di ko inaasahang makikita ko pa pagkalipas ng marameng taon.

"Armie? Armie ikaw ba yan?" tanong niya na nagpaubos ng lahat ng dugo ko sa katawan. Bakit ngayon pa? bakit agad-agad? Hindi ba pwedeng dahan dahan para naman handa ako.

" Ian" mahinang tawag ko sa pangalan niya.

A/N:

If you want the detailed flash back story of how the characters met, read REBEL Desire.

What I written was just the summary of their story before this. As you can see I tried to put it all in two chapters. Sana naintindihan niyo pa rin yung flow ng story.

Please vote for this story. Thank you guys.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now