Chapter 06

6.4K 125 1
                                    

NAVI POV

Pagod na pagod akong umupo sa swivel chair at itinungkod ang siko sa lamesa. Napapikit ako sapu-sapo ang mukha. Napagod ako ngayong araw.

"Hon okay ka lang?" napatingin ako kay Mareen na nasa tapat ng pintuhan.

Inayos ko ang upo ko at nginitian siya. "I'm fine. napagod lang ako sa dame ng pasyente"

nakangiting nilapitan niya ko. "what do you expect medical mission eh" sabi niya.

tumango naman ako. yes nasa medical mission kami sa isang bayan dito sa Pampanga. Three days kami mag stay dito. Dalawang araw ang medical mission sa dalawang bayan dito tapos pahinga namin ang pangatlong araw. Pwede naman na kaming umuwe ngayon ang kaso yung Brgy Captain ay nagpahanda ng salo salo para samin bukas.

"magpahinga ka na" sabi ko sa kanya.

"nag-aaya pala sila Mike na mag trekking daw tayo bukas"

pitong doctor kasi kaming andito ngayon sa medical mission na ito. Kasama ang ilang mga volunteers  ay ginagawa namin ito taon-taon. Masaya kaming nakakatulong sa iba.

"trekking? Saan?" tanong ko.

"saan pa ba edi sa Mt Arayat meron pa bang ibang bundok dito?"

di ko mapigilang magtaas ng kilay sa sinabi niya. "wala bang burol lang?" biro ko sa kanya. burol na lang para di masyadong mahirap akyatin. haha

"weak?" pang-aasar niya.

"tsss!" ako pa talaga ang sinabihan niya ng weak. Ako nga tong nakakapag alaga pa ng katawan at siya itong nasa hospital lang. Ang pag-eexercise ay kinatatamaran niya.

"sige na. naexcite ako. minsan lang ako magkapagtrekking." Sabi niya.

"bakit na try mo na ba?"

"oo naman anong akala mo sakin muwang? Ikaw lang tong di mahilig magtrekking dahil lagi kang umaatras. Ang KJ mo. Sige na hon please." Pagmamakaawa niya.

"baka mabigla ang muscle mo. hindi ka naman nageexercise" paalala ko. hindi biro ang trekking kapag hindi sanay ang katawan mo. sasakit talaga ito.

"ang kapal mo. nageexercise ako at nagtrekking na ko dati."

"sigurado ka? Bundok ang inakyat mo?" pagkukumpirma ko.

napasimangot naman siya sa tanong ko. alam ko namang hindi pa siya nakakaakyat ng bundok. Mga mababang trekking lang siguro ang pinupuntahan niya, yung mas marame ang lakad kesa akyat.

"sige na sumama ka na please"

ayan na naman ang mukha niyang nakikiusap.

"kayo na lang. magpapahinga na lang ako. maaga pang gigising pag ganyang trekking eh"

"wow paano mo naman nalaman?"

"tsss! Malamang natry ko na ring magtrekking"

"ows? Sa pitong taon nating magkasama ay di ko nabalitaan yan" nagumingising sabi niya "tsaka ano ngayon kung maagang gumising? Para maagang matapos."

"Maaga talaga dapat para hindi ka maabutan ng init."

"seryoso ka?"

"college pa ko nung natry ko mag trek." nakataas na kilay na sabi ko. ayaw pang maniwala. palibhasa nasanay na workaholic ako at hindi marunong magbakasyon.

"ah nung nursing student ka pa?"

"no nung med student pa ko."

"di nga? sa tagal ng naging relasyon natin hindi mo nakwento yan ah."

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now