Chapter 73

3.7K 69 7
                                    

ARMIE POV

Ramdam ko. Hindi ako manhid. Halata ang pag-iwas niya sa akin simula pa lang ng magising siya.

Kahit kinukumusta ko siya ay tango lang ang sagot niya. Hindi siya nakikipag-usap sakin pero kay Paige nakangiti siya at nakikipag-usap.

Masaya si Paige ng magising ang daddy niya. Ang dame na  niyang kwento ng kinumusta siya ni Nav. at gaya nga ng inaasahan ko ay nagsumbong siya sa ginawa ng lola niya sa akin kahapon.

"Bad siya dee." Sumbong niya.

Gusto ko siyang pigilan ang kaso sa tuwing ginagawa ko yun ang sasabihin lang ni Navi ay  "go on sweetheart" at kapag ipagpipilitan ko ang gusto ko na patahimikin si Paige sa mga sinasabi niya ay malamig niya akong tinitignan.

Ayoko lang naman na maging kawawa sa kwento ng anak ko dahil hindi naman talaga ganun.

"I saw it dee. Inaway niya si mee. She's the evil step mother"

"Paige" sinubukan ko pa ring awatin si Paige. " hindi ba nag-usap na tayo kagabi?" Tanong ko.

Mukhang hindi niya ako narinig at sumiksik lang sa daddy niya. Nakita ko ang pag ngiwi ni Navi kaya naalarma ako.

"Paige go down. Nasasaktan si dee. He's sick" nag-amba akong aalisin siya sa kama pero pinigilan ako ni Nav.

"It's okay." Sabi niya

"Dee are you alright?" Tanong din ni Paige.

"Yes sweetheart. Wag ka lang masyadong magalaw para hindi matamaan ang mga sugat ko"

"Sorry po dee." Sabi niya at tinignan kung may matatamaan siya.

"It's okay sweetheart. Come closer i miss you"

"I miss you too dee" she said ang gave a kiss on his cheeks. Sinigurado niyang hindi niya matatamaan ang katawan nito.

I saw Navi smile. " ano na yung kwento mo?" Tanong niya.

Ngumiti rin si Paige at nagsimula ng magkwento ulit.

"Tapos dee umalis kami dito kahapon dahil sa evil witch-"

hindi na ako naki-alam pa sa kwento niya. Gaya nga ng inaasahan ko na, exagerated ito at talagang nagmukhang inapi kami. Lalo na siya na iyak ng iyak.

Sa buong kwento ni Paige ay hindi nagsasalita si Navi. Tahimik lang siya na talagang nakakapagtaka.

Baka naman may nangyareng masama sa kanya. Is he on pain at hindi lang niya pinapahalata?

"Tito Air told me that you're like sleeping beauty so i gave you a thousand kiss"

"A thousand kiss?" Tanong ni Navi. Napapangiti siya sa sinasabi nito.

"Yes dee. Hundreds and thousands of kisses pero ayaw mong gumising. Si mee lang ang nakapagpagising sayo. But she also gives a hundreds of kisses before you wake up"

"Hundreds of kisses?" Tanong niya at tumingin sakin. Hindi ko naman alam ang irereact ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango lang naman siya bilang sagot.

Hindi siya ganyan. Dapat may pick up line na siya sa mga sandaling ito. Anong nangyayare sa kanya?

"Yes dee and then- are you hungry? Marame kaming binili ni mee na fruits and chocolates" nawala ang kwento niya ng makita ang mga pagkain.

"Nav" tawag ko sa kanya ng madistrak si Paige at sa Pagkain bumaling.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now