Chapter 50

4.2K 71 0
                                    

ARMIE POV

"Dali na Diane"

halos itulak na siya ng dalawa papasok sa banyo para lang malaman kung positive din ba ang resulta ng test.

"Sandali lang naman. hindi pa ako naiihi" reklamo ni Diane.

Andito kami sa receiving room namin at ito nga kaming apat at excited sa magiging resulta.

Si Paige ay busy na sa pagkain ng chocolate na binili ko kanina. Binibigyan niya si Dan pero sinabi namin na konti lang ang ibigay. magdudumi kasi ang batang yun at tsaka masyadong matamis ang tsokolate. Ayaw ni Diane na nahihilig sa matatamis ang anak niya.

sabi ko nga kay Paige ay magbihis muna pero sabi mamaya na raw. sabi ko rin na kumain muna ng mga food na nasa dining ang kaso ayaw din, yung chocolates ang gustong tirahin. Sana lang tirhan niya ako gaya ng sinabi ko.

"kumuha ka ng tubig" utos ni Kate kay Cass

"ako pa talaga ang uutusan mo ah" segunda naman ni Cass

"dali na Cass"

"eh kung ikaw kaya?"

"hoy! tumigil na nga kayong dalawa." awat ni Diane. "ako na ang kukuha at wag kayong excited. ako ang kinakabahan sa inyo eh"

"bakit ka naman kakabahan?" tanong niya.

"syempre another baby to come ito? i don't know kung tama ba to? plan kasi namin ni Paul kapag 5 na si Dan eh" sagot niya

"ano ka ba? blessing yan no. at least biniyayaan ka. yung iba nga wala eh" sabi naman ni Cass.

"oo na. magdadrama ka na naman Cass eh"

"aakyat lang ako at may kukunin sa taas" sabi ko.

Hindi naman pinansin ng tatlo ang sinabi ko dahil busy sila sa magaganap na test.

napapailing na umakyat na lang ako.

Pagdating ko sa kwarto namin ni Paige ay bumalik na naman ang kaba ko. Inilabas ko ang PT kits na binili ko kanina.

Hindi ako mapakali. kailangan kong mag test pero kinakabahan ako sa magigng resulta.

ilang minuto ata ang nakalipas bago ko napagpasyahan na ituloy ito. 

bumili na nga ako eh. alangan naman sayangin ko pa.

itinago ko ang isa sa ilalim ng kama at isa naman ay gagamitin ko.

nakailang buntong hininga pa ako bago ko ginamit ang PT.

habang inaantay ang resulta ay hindi ako mapakali. ang higpit ng hawak ko dito at hindi ako magkamayaw sa paglalakad sa loob ng banyo.

Ang tatlong minuto ay parang tatlong oras na sakin dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Mie!"

KNOCK

kNOCK

KNOCK

"oh shit!" sigaw ko.

"Mie andyan ka ba?" tanong mula sa labas ng banyo.

"oo Kate. sandali" sagot ko.

Putek naman oh!

Sa pagkagulat ko sa katok at pagtawag ni Kate sakin ay nahulog ang PT kit sa mismong loob ng toilet bowl. 

ayos naman talaga oh! Si Kate kasi bigla na lang sumusulpot.

"magtetest na si Diane. ano bang ginagawa mo dyan at ang tagal mo. kanina ka pa namin inaantay sa baba" sigaw niya

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon