Chapter 36

4.2K 67 2
                                    

ARMIE POV

Nagpaalam si Nav sa pamilya ko dahil may emergency nga daw sa hospital. Nagulat nga si Mama na aalis na siya kaagad pero mas nagulat siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Nav ang totoo. hindi na lang siya nagsalita dahil hindi naman siya ang dapat magsabi nun kundi ako.

Si Paige ay nagmaktol na naman. gusto pa daw niyang kasama ang daddy niya. Nangako naman si Nav na babalik bukas. ayaw nga ni Paige at gusto niya bumalik din mamaya ang daddy niya pero ang sabi naman ni Nav ay susubukan niya.

umalis si Nav na nagrerewind pa rin sa utak ko ang pinag-usapan namin kanina. hindi ako makapaniwala na hindi pa siya kasal. 

what happened 5 years ago?

minsan nakakapagsisi na nagkulong ako sa sarili kong mundo at hindi naki-uso. edi sana may alam ako sa nangyayare sa paligid ko.

kaya ba ko tinawagan ni Nav noon dahil ako ang pinipili niya. i remembered all the text messages and missed calls I received nung time na akala ko makukunan ako. 

pero hindi na-cancel ang wedding nila noon. pinaalam ko yun kay Diane, kung tuloy ba o hindi ang kasal. hindi naman siguro magsisinungaling sakin si Diane about sa bagay na yun. alam niyang mahal na mahal ko si Navi.

"Couz" biglang tawag ko kaya Diane. andito kami sa may garden. Sila Paige ay kalaro si Danny tapos ang parents ko naman ay nasa loob na. matutulog daw sila.

"oh? may problema?" tanong niya sakin.

"he's not married" biglang sabi ko.

"ha?"

"he's not married"

"sino?"

"si Nav" sabi ko.

inaantay ko ang irereact niya pero wala akong narinig kaya naman napatingin ako sa kanya. nagtama ang mata namin at bigla siyang yumuko.

nanlaki ang mata ko sa narealize ko. "you knew?" sigaw ko.

"Mie" tawag niya sakin.

"alam mo? pero hindi mo sinabi sakin?" akusa ko. biglang tumaas ang boses ko dahil sa nalaman ko.

"Mie wait let me explain" lalapit sana siya pero lumayo ako.

"explain? alam mo ang hirap ko nun couz. Alam mong mahal na mahal ko si Nav pero bakit nagsinungaling ka!" akusa ko.

"hindi ako nagsinungaling."

napatawa na lang ako ng pagak sa sinabi niya.

"listen Mie" hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko lang iyon.

"Diane alam mo ba ang pinagkait mo samin ng pamangkin mo? alam mo ba? kompletong pamilya!" sigaw ko.

"ano ba! makinig ka nga!" sigaw din niya. 

tinignan ko lang siya ng masama. yung nararamdaman ko ngayon ay iba na. wala na akong pakialam kung pinsan ko siya.

"hindi kita niloko okay? ikakasal naman si Nav noon. pinagtanong ko yun." sabi niya.

"hindi nga siya kinasal. sinabi niya sakin kanina he's not married" sabi ko naman

Huminga ng malalim si Diane bago ako tinignan.

"Anong nangyayare dito?" napatingin kami sa nagsalita. Si Paul.

"hon okay lang nag-uusap kami" sabi ni Diane sa asawa niya.

nakatingin lang ako sa kanila ng diretso kahit gustong gusto ko ng sumigaw.

"both of you are shouting. anong problema?" tanong ni Paul at tinignan ako.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now