Chapter 20

5.4K 85 5
                                    

A/N:

Dedicated to @10SofiaGutierrez. Thank you for your support.

Guys pagawa naman ako ng cover photo nitong story ko. Hindi kasi talaga ako marunong eh. Thank you...

~~ Erina ~~

----------

ARMIE POV

Bwisit! naiinis ako! bakit ba kasi ang hilig kong umasa sa simple gestures lang ni Nav! ayan tuloy kapag hinampas sa mukha ko ang reality ay nasasaktan ako.

Armie may asawa na si Navi! Please naman wala ka ng karapatang makaramdam ng kahit ano.

Shit! kung ganun lang talaga kadaling turuan ang puso eh. bakit ba kasi hindi ako makamove on sa pagmamahal ko sa kanya? nang makita ko siya kanina alam ko, ramdam ko. siya pa rin.

nang niyakap niya ko. nang inalo niya ko. nang binibiro niya ko. I acted so different pero ang sinasabi ng puso ko ganun pa rin.

oo na ang korni na pero tangina! minahal ko yun at hanggang ngayon mahal ko pa rin.

napatingin ako sa mala-anghel na mukha ng anak ko. oo mala-anghel. kanino pa ba magmamana yan kundi sakin na mala-anghel din ang mukha.

simula sa araw na to iba na ang mangyayare. "be strong anak" sabi ko at hinalikan siya sa noo.

hinaplos ko ang buhok niya. "hindi ako papayag na masaktan ka. hanggang kaya ni mommy iiwas kita."

isang katok mula sa pinto ang nakaagaw ng attention ko.

"miss Armie Perez?" tawag ng isang lalaki.

"yes?" takang tinignan ko siya dahil na rin naka-uniform ito ng KFC. May dala itong bucket meal at naamoy ko iyon. kumalam tuloy ang sikmura ko. hindi pa pala sapat yung saging na pinakain sakin ni Nav. ginutom pa rin ako. Nabitin baga. hahaha

"delivery po mam"

nagtakang tinignan ko naman siya. "hindi ako nagpadeliver" sabi ko naman.

"kayo po ba si Miss Armie Perez?"

"opo"

"ito po" kahit naguguluhan ay inaabot ko ang binigay niyang papel

binuksan ko ito at isang note ang nakita ko.


Baby,

I know you're hungry. Eat well. I'll be back.


gustong tumaas ng kilay ko pero hindi ko nga kayang gawin yun.

"sinong nag-order nito?" tanong ko

"hindi po ba nakasulat?"

"itatanong ko ba sayo kung kasulat" sarkastik kong sabi.

napangiwi naman siya. iniangat niya ang hawak niya na mukhang nabibigatan na.

bwisit na Navi yun! pa-sweet! may pa baby baby pang nalalaman ang malandi. kahit na computerize ang note ay alam kong si Nav ang nagpadala nito. eh sino pa ba ang lapastangan na tatawag sakin ng baby eh siya lang naman ang gumagawa nun. at tsaka siya lang naman din ang may alam na gutom na ko bukod kina Mama. never din akong tinawag ni Mama ng baby ano. si Danny ang baby ng pamilya ano.

baby baby pa ang landi talaga. naku! baka mamaya bumalik na naman sa bisyo niyang pambabae ang mokong na yun at naisip pa kong ilehera sa kanila.

kawawa naman si doctora kay Nav kung sakali. aba ang dame ng hirap ko nung nag-aaral siya sa medschool, ilang babae din ang inaway ko na umaaligid sa kanya. sobrang possessive kasi ako kay Navi noon na ultimong panliligaw ay kinakarir ko na.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon