Chapter 82: SPG II

5.8K 82 5
                                    

AIR POV

"Hoy!" Sigaw ko.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Lloyd sa tabi ko.

"Ha?" Nakangiting tugon pa nung dalawa.

"Para kayong tangang dalawa" sabi ko.

Nagtatakang tingin ang ibinigay ni Navi samantalang si Ian ay nakangiti pa rin. Iiling iling pa na parang tanga.

"Nababaliw na ba ang dalawang to?" Tanong ko kay Lloyd na kinatawa naman niya.

Andito kami sa bahay dahil nagka-ayaan lang mag-inuman. Marameng nangyre nitong mga nakaraang linggo na hindi na namin napag-uusapan.

Ayaw naming pare-pareho ang tumapak sa bar kaya naman dito na lang sa bahay ang napili naming puntahan.

Buti nga ay pwedeng mag stay ng matagal itong si Lloyd dahil andyan ang mga in laws niya, may magbabantay sa mag-iina niya.

Okay naman lahat, ang kaso ang dalawang nasa harap namin ay parang may kanya-kanyang mundo.

"Baka masaya lang" sagot ni Lloyd

"Halata naman eh. Hoy ano na? Kanina pa kami nag-uusap ni Lloyd dito, kayo mukhang sa malayo ang isip. Ano ba? Minsan na nga lang to" reklamo ko

"To namang si pareng Air ang init agad ng ulo" nangiting sabi ni Ian

"May tama na to. Nahawa na ata sa mga pasyente niya" sabi ko na narinig niya kaya tumawa siya ng malakas.

"ano bang meron at masaya kayo?" tanong ni Lloyd

ngiti lang ang sagot ng dalawa.

napailing na lang ako.

"kumusta kayo ni Mie?" tanong ko kay Navi. wala naman akong mapapala sa kanila kung aantayin ko silang magkwento kaya maganda na yung magtanong ako.

"okay naman." ngiting sagot niya "i can't believe i am having another baby" masayang sabi niya.

napatingin ako sa mga kasama ko. nawala kasi bigla ang ngiti namin dahil sa sinabi niya. Alam kasi namin ang totoo. 

Isa kaya sa dahilan ng mabilis na pagsagot ni Armie kay Navi ay dahil sa pinagbubuntis nito?

maaring oo, maaring hindi. alam naman namin kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"what?" tanong niya ng makita ang mga reaksyon namin.

"we are happy for you." bawi ni Lloyd "and how's Armie?" kumusta niya.

Ngumiti naman ulit kami. Mukhang hindi pa niya alam na hindi sa kanya ang dinadala ni Mie. 

I doubt he can still be this happy when he knows the truth.

"she's good." Sagot niya "and now I know why i am feeling all those weird things these past few weeks. ako ata ang naglilihi para sa kanya. mas mapili pa nga ako sa pagkain kesa sa kanya eh" masayang kwento niya.

Ngumiti naman kami. Si Ian ay halata ang pilit na galak para kay Navi.

"Alagaan mo na si Mie" payo ko "bawal ma-stress ang mga buntis. Sabi ni Yuni nangyare na daw yun dati sa kanila ni Paige. kaya pare ingatan mo."

natatakot akong mag-iba ang pakikitungo ni Navi kay Armie kapag nalaman na niya ang totoo kaya ams magandang hayaan na naming si Mie ang magsabi dahil siya ang mas nakaka-alam ng sitwasyon.

"Yeah" tipid na sagot niya "i never knew that time na ganun pala ang nangyare sa kanya."

Dahil sa dalawang araw na pagstay ni Mie sa hospital noong isang linggo ay ang asawa ko ang naging personal nurse niya. May pagkamausisa kasi si Yuni kaya naman nalaman niya ang ibang mga bagay bagay na tungkol kay Armie.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon