Chapter 90

3.8K 64 4
                                    

ARMIE POV

"Hindi niyo pa rin alam ang gender ng anak niyo?" Tanong ni Diane sakin.

"Surprise na nga lang pagka-anak ko" sagot ko naman

"Ayaw niyong ipa 3D picture gaya ng uso ngayon? Ang cute ng picture ni baby Lysa. Kamukhang-kamukha ni Paul" masayang sabi niya.

Napangiti naman ako. Napakita na kasi niya ang picture ng baby niya a month ago. Tuwang-tuwa siya. gusto ko rin sana yun pero mas gusto namin na malaman nalang in time. Iniisip din namin si Paige na binigyan na ng lalaking pangalan ang kapatid niya. Junior ang ipinangalan niya dito. dahil na rin gustong gusto niya ang movie na Storks nung pinalabas sa HBO. paulit-ulit na nga niyang pinapanood yun sa youtube.

Pinag-iisipan tuloy namin na Navi Delos Reyes Jr na lang ang magiging pangalan ni baby kapag lalaki.

"Hindi na nga. Surprise na lang." sagot ko kay Diane

"Paano kapag kambal?"

"No hindi twins to" sagot ko. Naalala ko na naman ang pang-aasar na sabi sakin ni Navi noon. "hindi namin kaya" dagdag ko pa

"ang OA mo naman. tinatanong ko lang paano kung kambal. hindi ko naman sinabi na kambal ang anak niyo" paliwanag niya.

"Sasabihin naman ni Mareen kung kambal eh. wala siyang sinasabi so iisa lang to. ayaw naman kasi naming malaman kung ano ang gender na rin kay Paige. gusto kasi niya lalaki, paano kapag babae na baka mag-tantrums pa. maganda na yung nakikita niya kaagad para wala na rin siyang choice" natatawang sabi ko.

Tumango-tango naman siya. Si Mareen na ang OB ko simula ng magwork na ako as part time sa hospital nila. yes I am working. Part time nga lang dahil half duty lang ako lagi. Ayaw akong mapagod ni Nav. nagmumukha tuloy akong saling pusa lang sa trabaho ko.

Hindi naman nakakapagod ang work ko sa NICU. Kahit maselan ako magbuntis kay Paige noon ay pumapasok pa ako ng 12 hours. Wala namang kaso sakin. nakakapagpahinga din ako dahil hindi naman matao sa NICU. kahit naman sa EWGH ay madalang lang ang baby na nasa NICU. Kaya lang hinayaan ko na si Navi at baka pag-awayan na naman namin kung ipipilit ko ang gusto ko. masaya na ako na nakikita ko lagi si Navi.

"Magsisimula na ang party nasaan na ba sila Kate?" Naiinis ng tanong ni Cass. "Nauna pa ang mga bisita kesa sa kanila"

Baby shower kasi namin. Next month manganganak na kami. magkakasunod lang ang due date naming magkakaibigan. Pinagsabay-sabay nalang namin ang baby shower para masaya.

Sana lang hindi kami sabay-sabay na manganak.

"pupunta ba sila Bryan at Jana?" tanong ni Cass sakin

"nope! Nasa Seychelles pa sila."

"mukhang maganda dun. ang kokonti lang ng pinopost nila sa FB" sabi naman ni Diane

"hayaan mo na. nageenjoy sa honeymoon eh." ngiting sagot ko.

ginanap ang kasal nila Bryan at Janna two weeks ago sa Batanes kung saan naging magboyfriend/girlfriend silang dalawa.

Masayang mag-ayos ng wedding pati ako ay nagkaka-ideya din kung paano ang gusto kong mangyare sa kasal ko.

Jace and Cands wedding happened in Maldives, Bryan and Janna in Batanes, I want a wedding near a cliff. I told Navi about it but he is concern about the children at sa videographer. But I will weigh it if it. if it's possible yun ang gusto ko.

Isa rin sa choice ko ang simple backyard wedding.

"Hoy!" Sita sakin ni Cands "nagdedaydream ka na naman ba?" Tanong niya.

UNBEARABLE DesireWhere stories live. Discover now