Chapter 69

3.4K 67 10
                                    

A/N:

Unleashing of secrets are starting, so hold on! Ang pinakahihintay niyong revelations ay nagsisimula na.

Ending is still vague but near. Paiiyakin ko muna kayo. hahaha.

~~ Erina ~~

-----------------//

ARMIE POV

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang umaandar paakyat ang elevator. Andito na ako at wala ng atrasan ito.

TING

Hirap akong ihakbang ang mga paa ko palabas nito. Tinignan ko ang buong paligid pag labas ko. hindi ko ito napagmasdan masyado ng araw na yun dahil sa pagmamadali pero familyar ang paligid nito.

Hindi ko alam kung ito ba ang tamang floor pero tumatatak sa isip ko ang 16th floor na ito.

Nagsimula akong maglakad at napatigil ng makita ang pamilyar na doormat.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ito nga yun. tama ang floor na napuntahan ko.

Isang itong itim at half circle na doormat. naalala ko yan dahil muntik na akong mapatid paglabas ko ng unit na yan.

Natawa ako at tama nga ang instinct ko. Sa floor na to nakatira ang lalaking yun.

Tumayo ako sa harap nito. Ngayon ay nag-aalinlangan na ako. Tama ba ang gagawin ko?

Shet! Paano kapag drug addict pala ang taong ito?

Mukhang may kaya naman ang lalaking yun dahil maganda ang condominium na ito. Isa pa mukhang siya lang mag isa ang nakatira sa unit na ito. oo tama mag-isa lang siya. ang isiping may mga roomates siya ay nakakapangilabot. baka na gang rape pala ako ng hindi ko alam.

umiling iling ako! ano ba naman Armie ang iniisip mo!

Napapakagat ako ng labi. Napapadyak ng paa habang nakatingin lang sa pinto.

Gosh! Ayoko na.

Agad akong pumihit pakanan. Aalis na lang ako.

Nakatatlong hakbang palang ako ng bumalik na naman ako at humarap dito.

Napatingin ako sa paligid at may nakita akong babaeng naglalakad papunta sa gawi ko.

OMG! Baka isipin nito ay kahina-hinala ako.

Agad kong pinindot ang doorbell sa gilid ng pinto.

Bahala na! Sabi ko nga tatapusin ko na to. Ayoko ng may ilihim pa kay Navi. Magkaalamanan na kung magkakaalamanan. Pagod na pagod na kong umiwas. Ayoko na ring matakot at iblackmail pa ni Mareen.

Ilang segundo ang inantay ko pero wala pa ring nagbubukas.

Tinignan ko ang babae kanina pero wala na siya. Nagdoorbell ulit ako pero gaya kanina ay wala pa rin.

Walang tao.

Tinignan ko ang oras at mag-gagabi na rin. Nag antay pa ako ng 30 minutes pero wala talagang nagbukas ng pinto or dumating man lang.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon