6. ZAF

41.6K 935 94
                                    

"Nasaan ba 'yun?!" Naiiritang tanong 'ko sa sarili 'ko habang hinahanap ang libro na kailangan 'ko sa isa ko'ng subject. Dalawang beses na akong nagtanong sa librarian pero hanggang ngayon hindi 'ko alam kung bakit hindi 'ko pa din mahanap-hanap.

Umulit na ako sa bookshelf na tinitingnan 'ko kanina pero wala pa din. Parang gusto 'ko na lang maiyak kasi hindi 'ko talaga makita kung nasaan yung librong 'yon. Kailangan 'ko pa namang mahiram 'yun ngayon, dahil bukas na ang pasahan nung pinapaggawa samin.

"Miss, ito ba yung hinahanap mo?" Napatingin ako sa likod 'ko at halos malaglag ang panga 'ko sa nakita 'ko. Ulam! Ulam na ulam yung lalaking nasa harap 'ko ngayon. Ang gwapo gwapo! Ang puti puti ng balat niya na parang binabad na 'to sa gatas, tapos yung mata niya. Ang ganda ganda! Brown na brown. Isama mo pa ang medyo chinito niyang mata. Okay, hulog ba ng langit 'to?

"Ikaw." Oo. Ikaw. Ikaw na nga ang matagal na hinahanap ng puso 'ko! My god! Ang gwapo gwapo niya!

"Huh?" Parang nag-taka naman yung lalaki sa sinabi 'ko. Umiling siya at napatawa ng mahina. What the hell, tawa ba 'yun? Bakit parang music na ang dating sa tainga 'ko? Sino ba to'ng lalaking 'to? Artista ba 'to? Kung oo, baka hindi 'ko na talaga mapigilan ang sarili ko'ng mag-fangirl sa kanya.

"Ito ba yung hinahanap mo?" Tanong niya at ngumiti sa akin. Parang matutunaw na sa tuwa ang puso 'ko nang nakita 'ko siyang ngumiti sa akin. May nage-exist pala talagang ganitong lalaki, ano? Akala 'ko hanggang libro lang yung mga ganitong lalaki eh.

Halos manginig pa ang kamay 'ko habang kinukuha yung libro na inaabot niya sa akin. "O-oo. S-salamat." Yumuko na lang ako at agad ng umalis doon. Agad ko'ng naramdaman ang pamumula ng pisngi 'ko. God! Ngayon lang ako naging ganito sa isang lalaki, dahil siguro yung mga lalaking nagugustuhan 'ko ay tulad niya! Kasing gwapo niya! Parang mga-Rozen Elizalde, Elijah Montefalco, Wade Rivas o Azrael Montefalco.

Hindi ako makapag-focus sa binabasa 'ko kasi nasa harap ng table 'ko ngayon ang table nung lalaki na nagbigay ng libro sa akin. Naka-harap siya sa akin at nakangisi. Nagulat na lang ako ng biglang may kamay na pumatong sa balikat 'ko. Napatingala ako at nakita 'ko si Sir Fernand na nakangiti sa akin. "S-sir, may kailangan po kayo?" Tanong 'ko habang tumatayo.

"Busy ka ba, Kira?" Tanong sa akin ni Sir. Pwede 'ko namang basahin na lang to'ng libro sa bahay kaya umiling ako. "Good. Zeo hijo, come here!" Parang nanigas ang katawan 'ko nung nakita 'ko yung lalaking nagbigay ng libro na lumalapit sa amin ngayon. Ngumiti siya sa akin bago tumingin kay Sir Fernand.

"Kira, pwede mo bang samahan to'ng si Zeo na umikot sa school? Bago lang kasi siya dito kaya gusto 'ko sanang maikot niya muna ang school bago siya pumasok next week. Is it okay?" Oh my gulay! Badtrip nga ako nung isang araw, bawing bawi naman ngayon! Thank you, Lord!

Dahan-dahan akong tumango at masaya namang pumalakpak naman si Sir. Kung nagtataka kayo, oo, beki nga si Sir Fernand. Isa din ako sa mga nagulat nung sinabi ito sa akin ni Maegan, ang gwapo gwapo naman kasi ni Sir para maging bakla. "Omg, thank you hija!" Diba? Halata naman siguro? Umo-omg pa. "So, wag ka ng mahiya dito kay Zeo. Kung kailangan mo'ng sapakin, go lang!" Napangiti na lang ako at tumango na lang ako. "At ikaw Zeo, umayos ka! Nako, sasapakin talaga kita kapag nalaman ko'ng naasar sayo to'ng si Kira!"

Napatawa na lang kaming dalawa. May sinabi na lang si Sir Fernand bago niya ako iniwan dito kay Zeo. "Wait lang ah." Sabi 'ko habang kinukuha yung shoulder bag 'ko at yung envelope na dala-dala 'ko. Kamuntikan 'ko pang makalimutan yung libro mabuti na lang ay inabot ito sa akin ni Zeo.

Courting the Fortune-tellerWhere stories live. Discover now