Chapter 45: Azazel

6.2K 186 26
                                    

Joanna's Point of View

Lumipas ang mga araw ay unti-unti naming nabibigyang pansin ni Zane ang mga pangyayari. Unti-unti din humihirap ang sitwasyon naming dalawa. Nakakapanibago pa din ang lahat, 'yung tipong hindi kami sanay na hindi pumasok sa paaralan at syempre hindi kami sanay na magkasama sa iisang tirahan. Pero ang kailangan nalang siguro ngayon ay ang masanay kaming dalawa ni Zane.

"Joanna." Lumingon ako kay Zane ng tawagin niya ang pangalan ko. Seryoso itong nakatingin sa harap ng laptop niya habang nakakunot ang noo.

"Bakit?"

"Wala kabang kaaway?" Tanong niya sa akin, sa pagkakataon na'to ay nakatingin na siya. Napaisip ako, sa pagkakaalam ko wala.

"Wala naman bukod sa mga bashers ko."

"Bashers? I mean 'yung mortal enemy, wala ka ba?" Tanong ulit niya.

"Wala. Ewan ko lang kung ituturing kong mortal enemy yung FIANCEE mo." Sarcastic na sabi ko sa kanya. Hindi na lang ito umimik at nagpalumbaba, tinuon ulit niya ang tingin sa laptop niya.

"Kilala ko si Jill, hindi naman siguro siya maninira ng tao." Bulong nito. 

"Teka, teka! Ano ba 'yan ha?"

Tumingin ito sa akin.

"Posible kaya na may galit sa'yo ang gumagawa ng lahat ng ito?" Tanong niya. Ewan ko pero bigla nalang akong kinabahan, sa punto na 'yon parang alam ko na. Parang may nabuong puzzle sa utak ko, isang tao lang naman ang may galit sa akin, sa amin.

"Kilala ko na siya, i'm not sure kung siya nga. Pero kasi, iisang tao lang naman ang may matinding galit sa amin eh." Mahinang sabi ko. 

Kaba. 'Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"Sa inyo?" Nagtatakang tanong ni Zane. Tumango ako.

"Isang tao, napaka hirap kalabanin." Bulong ko pero hindi 'yon narinig ni Zane.

Nakakapanghina.

--

Mabilis kong tinawagan si Ansherina upang magkita kami sa isang lugar. Dito sa may park, kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat. Kailangan ng maayos ang lahat, dahil may gustong kumalaban sa amin. Kung kailan mahina kami doon nila kami gustong kalabanin, marunong silang mag timing pero hindi ako papayag. Nasira na nila ako, hindi ako papayag na pati mga kaibigan ko ay sirain nila.

Natanaw ko na si Ansherina na papalapit dito sa lugar ko. Pagkalapit niya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Buti nalang at nagpakita kapa." Sabi nito pagkatapos kumalas sa yakap.

"May kailangan kang malaman, Ansherina." Seryosong sabi ko at hinaawakan ang dalawa niyang kamay.

"Ano?"

"I'm not pregnan--"

"I know, Joanna."

Natigilan ako.

"Ha?"

"Alam kong hindi ka
buntis. Just to think of it, wala pang isang buwan simula ng makilala mo si Zane tapos sasabihin nila buntis ka? Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ka sumama sa kanya kahit alam mo na hindi ka buntis."

"Kaya nga pinapunta kita dito para sabihin sa'yo ang nalalaman ko." Mahinahon ngunit may takot na sabi ko.

"Ano 'yun? Hala, why are you shaking? Mukhang natatakot ka." Nagaalalang tanong nito sa akin.

"Nagbabalik siya."

"Sino?"

"Azazel."

Biglang natigilan si Ansherina ng marinig niya ang sinabi ko. Lumingon ito sa kawalan at napasandal sa upuan na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Love Duology 1: Helpless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon