Chapter 75

3.7K 62 9
                                    

ARMIE POV

Nang payagan akong lumabas ng kwarto ay nasa OR na si Navi. Si Paige ang nagkwento sakin ng mga ginawa nila ni Navi habang wala ako.

Excited na siya sa birthday niya bukas dahil may big surprise daw si dee sa kanya. i wonder what it is eh halos pag-usapan na nga nila ang mga handa niya bukas. i don't know if surprise pa rin ba iyon.

we stayed in his room while waiting for the operation to finished. Ang mga kaibigan ko na andun ay umalis din ng masigurong okay na ako.

No one knows what happened to me aside from Mareen and the nurses in that station. I wonder if she informed it to her friends.

Kung oo baka sa oras na ito ay kinukulit na nila ako or maybe hindi pa nasasabi ni Mareen sa kanila ang nangyare. ngayon siguro ang kalagayan ni Nav ang mahalaga sa kanila.

bilin sakin ng mga nurses ay kumain na ako. kahit ayoko at wala akong gana ay ginawa ko para na rin para sa anak ko.

Si Kate talagang bumili pa ng isang kumpol ng saging. sira ulo talaga ang babaeng yun!

"sige na kumain ka ng saging. kailangan mo yan" pamimilit niya. okay lang naman sakin. actually natakam nga ako sa saging. ang kaso nakakainis lang ang tingin na pinupukol niya sa akin. halatang may malisya.

Hindi nagtagal ay dumating si Navi sa kwarto. groggy pa ito dahil sa anesthesia.

His operation was uneventful.

"dee" lapit agad ni Paige "are you alright dee?" kumusta niya dito.

hindi makapagsalita si Navi dahil sa facial mask na nasa bibig niya. hinila ko naman si Paige palayo kay Navi para maiayos siya sa kama.

wala na ang external fixation na nasa paa niya pero kita ang malaking plaster na nakalagay doon.

"nasaan si Doc Monteverde?" tanong ko sa mga nurses na naglipat kay Navi.

"nasa OR pa po mam" sagot ng isa sa kanila.

tumango naman ako at hinayaan nalang silang gawin ang dapat kay Navi.

"okay na ba siya?" tanong ko

"yes ma'am" sagot sakin.

napatingin naman ulit ako kay Navi. 

"kapag may kailangan po kayo pindutin niyo lang yung buzzer" sabi ni Robert, isa sa mga nurses na andun.

"sige salamat" sabi ko.

"dee are you okay?" tanong ni Paige ng makalapit kay Navi.

"okay ka lang ba?" tanong ko rin sa kanya.

nakadilat ang mga mata niya pero alam mong may epekto pa ang anesthesia sa kanya.

nakita kong tumango siya. nakahinga naman ako ng maluwang.

hinayaan na lamang namin siya ni Paige na magpahinga. hindi nga rin nagtagal ay nakatulog din siya. pareho silang tulog ni Navi.

lumapit ako sa natutulog na si Navi. pinagmasdan ko siya. 

napangiti ako. gwapo pa rin siya kahit may mga gasgas sa mukha, kahit na may nakalagay na mask sa mukha niya.

bias ba ako o talagang gwapo lang ang boyfriend ko?

medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa paghingi ng tawad sakin ni Mareen kanina. ibig sabihin naman siguro nun ay pinapayagan na niya kami ni Navi or pwede ding kaya ganun siya ay dahil guilty siya sa nangyare kay Nav.

hindi ko alam kung para saan ang sorry na yun pero tatanggapin ko. kahit naman ako malaki ang naging kasalanan sa kanya. pero magulo pa rin ang isip ko. ano ba ang ibig sabihin ng nakita ko kahapon? ang mga nakita ko sa garden kung saan sila magkasama.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon