Chapter 29

59.5K 861 92
                                    

Jillian Fuentes

NALALAPIT na ang pagpunta ni Pam sa bahay. Ramdam ni Wendy na nagseselos ang babe ko kaso hindi rin niya matanggihan yong isa dahil kaibigan niya ito. Sakin, wala namang problema kung dalawin ni Pam si Wendy, unang una kilala ko naman siya. Medyo maharot pero alam naman niya kung gaano ko kamahal si Anne. Ang problema ko ngayon ay madalas na tahimik ang babe ko, parang laging wala sa mood pag papasok ng klase at kahit sa paghatid ko sa kanyang trabaho. Hindi ko na lang masyadong kinukulit dahil baka umusok yong ilong masapok pa niya ako.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan saka ko siya inalalayan sa pagbaba.

"Sunduin na lang ulit kita mamaya babe." ngumiti ako saka humalik sa pisngi niya.

Tumango lang siya saka pinisil yong palad ko, ang tahimik niya. Tatalikod na sana siya nong pigilan ko. Hindi ko binitawan yong kamay niya.

"Babe, wag namang ganito oh. Di mo ko pinapansin eh."

Bumuntong hininga siya saka tumitig sa mga mata ko.

"Lilipas din 'to bakulaw."

Alam kong si Pam pa rin ang dahilan ng pananahimik niya. Ang problema wala pa si Pam ganito na siya, pano pa kaya pag dumating yon? Mas lalong hindi ako papansinin neto. Hay!

"Sige babe, basta wag kang lalandi sa boss mo ah. Pupunta lang muna ako sa bar ni Yana. Andon kasi si Wendy eh."

"Okay, basta wag ka ring lalandi don. Kilala kita Jillian! Tigilan mo ang pagiging childish mo pag may kaharap kang ibang babae! Subukan mong magpacute sa iba buburahin ko yang mukha mo!"

Ayon at tumalikod na siya. Grabe talaga ang kasweetan ng babe ko. Nakakatakot. Wiiw! Ni hindi man lang ako nakahalik sa labi niya kahit dampi lang. Kapag nagseselos talaga siya kulang na lang punitin niya tong pagmumukha ko. 

Pagpasok niya ng restaurant nagbiyahe na ako papuntang bar ni Yana. Pagdating ko nakita ko agad si Wendy na kumakanta sa stage, napangiti ako dahil mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya. Kung ako mahilig sa sports siya naman sa music.

"Jill!" tawag ni Yana sakin. Andito si Jo at ang iba, nakakapagtaka lang wala si Jean. Baka nambababae na naman yon. Pero may isang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito.

"Musta Jill? Long time, no see." si Arvie.

Tinapik niya ang balikat ko, ganon na rin ang ginawa ko saka ako bumeso sa iba. Pasulpot-sulpot talaga ang taong to. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit gustong gusto siya ng mga kaibigan ko. Ako kasi talagang pumapalag yong kaloob-looban ko sa kanya. Kapag nakikita ko siya parang gusto kong bigyan ng isang suntok yong pagmumukha niya. Lalo na pag naalala kong nayakap niya ang babe ko nong minsang mawala siya sa gubat. Pag naalala kong si Arvie ang kayakap ng babe ko sa kama kulang na lang dukutin ko yong dila niya sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Jill, magaling pala ang Sis mong kumanta. Kanina ko pa siya pinapanuod. Nakaka-in-love yong boses niya." sabi ni Arvie.

Hinila ko ang upuan saka umupo sa tapat niya. Tumabi naman si Frances sa akin habang umiinom ng lemon juice.

"Yan ang talent niya ang pagkanta." maiksing sagot ko saka ako sumenyas ng maiinom kay Jo na nasa counter.

"Hmm musta pala si Anne?" tanong niya.

Naningkit agad yong mata ko, buti na lang medyo naka yuko ako kaya sigurado akong hindi niya iyon napansin. Tingin ko miss na niya ang babe ko, pero sorry na lang siya. Akin lang si Anne!

"Okay, naman siya. Nasa work."

"Sipag talaga niya, humahanga ako sa pagtyatyaga niya sa pag-aaral habang nagtatrabaho siya. Swerte mo talaga sa kanya."

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now