Chapter 43

33.4K 948 155
                                    

Anne Del Rio

"NAKAALIS na siya ng bansa"

Iyan ang bungad sa akin ni Jo habang kausap ko siya sa kabilang linya.

"Sinubukan namin siyang pigilan ni Jean pero hindi na namin siya napigilan pa."

Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa mga narininig ko, akala ko handa na ako, akala ko okay na, tanggap ko ng aalis na siya pero para akong unti-unting sinasaksak nong marinig ko kay Jo na nakaalis na si Jillian ng bansa.

Hindi rin pala ganon kadali kahit alam mo ng aalis ang taong mahal mo.

Hindi ganon kadali....

"Hello? Anne? Still there? Anne?"

Naririnig ko pa ang boses ni Jo sa kabilang linya pero wala na akong lakas para magsalita pa. Napaupo na lang ako dito sa gilid ng kama at tuluyan na akong napaiyak.

"Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko, Anne. Ingatan mo ang sarili mo at ang pamilya mo dahil pag binigyan tayo ng pangalawang pagkakataon magiging pamilya ko rin sila...."

Naalala ko ang mga sinabi ni Jillian nong huli naming pagkikita at lalo akong nakaramdam ng lungkot.

Nakaalis na siya paano na ako?

Ang hirap!

Gabi-gabi akong umiiyak mula nong umalis siya. Lagi kong naaalala lahat ng kulitan, lahat ng away namin at parang lalong bumibigat lalo ang loob ko.

"Anak, kumain ka muna. Nagkukulong ka na naman. Nag aalala na ang mga kapatid mo sayo dahil hindi mo raw sila kinakausap." Si Nanay.

Naka upo siya dito sa tabi ko habang hawak ang balikat ko samantalang wala akong imik at nakahiga lang.

"Mabuting kalimutan mo nalang siya at magpatuloy, Anak. Ikaw lang inaasahan ng mga kapatid mo."

Iyon ang sabi ni Nanay saka niya pinisil ang balikat ko at lumabas na ng kwarto. Para naman akong natauhan sa sinabi niya. Ang mga kapatid ko....ako lang din ang inaasahan nila.

Umupo muna ako saglit at ramdam ko ang pang hihina ng katawan ko. Dahan dahan akong tumayo at nagtungong banyo para maligo at pagkatapos non kumain na rin ako. Ramdam kong naiilang ang mga kapatid ko sa akin dahil hindi sila umiimik, samantalang si Tatay hindi rin ako kinakausap. Maayos na ang kalagayan niya at ngayon nakakapagtrabaho na ulit siya.

Hindi kami nag-uusap buhat nong umuwi ako rito sa bahay. Mas pinili ko na lang din manahimik at magkulong sa kwarto pero hindi ko na talaga natiis pa nong maabutan ko siya dito sa kusina.

"Umalis na po siya, 'Tay. Iniwan na niya ako."

Tahimik lang siya habang inaayos ang mga gamit niya papuntang bukid.

"Alam ko pong ayaw niyo sa relasyon namin pero ang hirap. Nasasaktan po ako."

Naiiyak ako...

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ito sa aking Ama pero dahil siguro sa sobrang sakit hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na ilabas ang nararamdaman ko.

"Kung mahal ka niya dapat hindi ka iniwan, hindi ka mahal ng taong iyon kaya itigil mo na ang pag-iyak. Hindi siya karapat-dapat." Sabi niya pero hindi siya lumingon sa akin

patuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Pero ayaw niyo sa kanya. Galit kayo sa amin at ikinakahiya niyo ako!"

"Tumigil ka! Sino bang matutuwa na ang anak niya ay nakikipagrelasyon sa kapwa niya babae?!"

Napapailing ako at tuluyan ng napaiyak.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz