Chapter 44

32.2K 797 47
                                    

Anne Del Rio

NAKUNTENTO na ako sa pagtingin sa mga picture ni Jillian dito sa phone ko habang nakikinig ng music. Iyon lang halos ang ginawa ko habang nasa biyahe pabalik ng Maynila. Sinundo ako ng mga kaibigan niya nong mabanggit ko kay Jo na pumayag si Tatay na mag aral ako kung saan ko gusto.

Paggising ko kaninang umaga nabigla na lang ako nong makita ko silang lahat na nasa labas ng bahay. Tuwang tuwa silang napayakap sa akin. Parang wala pa nga ako sa sarili ko dahil kababangon ko lang talaga noon.

Kahit wala na dito si Jillian, kahit hindi na kami….. andito pa rin tong mga kaibigan niya na hindi nagsasawang bantayan ako.

Wala naman akong maiaangal pa dahil kahit anong sabihin ko sa mga 'to sila pa rin ang nasusunod. Anong laban ko sa kanila? Pag nag salita ang isa lahat sa-sang-ayon na. Ganon sila….akala mo ang tagal na nila akong kakilala.

Kahit ang layo ng probinsiya namin sa Maynila pinupuntahan pa rin talaga nila ako. Nakakatuwang isipin na may mga taong katulad nila.

Kakaiba yong samahang meron sila. Kaya paano ko naman mapipilit ang sarili ko na kalimutan si bakulaw kung ganitong andito lagi ang mga kaibigan niya?

Tahimik lang si Tatay nong makita ang mga kaibigan ni Jillian, napatango lang ito nong isa-isa na silang nagmano sa kanya.

Si Jo ang kuma-usap sa kanya na hayaan akong sumama sa kanila at magpatuloy sa Maynila ng pag aaral, sayang naman daw kasi yong schoolarship ko at isa pa magandang University ang pinapasukan namin.

Malumanay lang siyang nagsasalita habang kausap si Tatay. Nong una hindi siya kinikibo pero sa bandang huli tumango-tango na ito sa kanya, iba din kasi ang convincing power nitong si Jo. Kaya kahit malayo pa ang pasukan sumama na ako sa kanila para makapag-handa.

Hanggang sa makaalis na kami walang imik si Tatay sa akin pero hindi ko na nakikita ang matapang na anyo sa mukha niya. Nagpaalam naman ako ng maayos sa kanila ni Nanay at ganon na rin sa mga kapatid ko.

Hindi ko alam kung dahil sa pagsagot ko sa kanya ang dahilan kung bakit siya pumayag na ako ang magdesisiyon kung saan ako magaaral o dahil alam niyang sumuko na si Jillian sa relasyon namin. Siguro panatag na ang loob ni Tatay na wala si Jillian sa tabi ko.

Hindi pa rin maitago ang kalungkutan sa puso ko pag naaalala ko ang taong nagbigay ng dahilan kung bakit ako nagiging masaya….ngayon siya din ang dahilan kung bakit ako nalulungkot.…kung bakit ako umiiyak at nasasaktan.

“I’m planning of putting up a small café. What do you think of that guys?”  

Tahimik ang lahat nong bigla magsalita si Frances habang nagda-drive. Isang malaking Van ang dala nila nong sunduin ako. Si Jean lang ang wala pero okay na rin dahil wala namang ginawa ang taong iyon kung hindi mang asar. Kahit sino sa amin inaasar niya.

“Internet café ba yan?” si Ellaine.

Katabi ko siya at ganon din si Atasha. Bale nasa pagitan ako ng dalawa.

“Not an Internet Café. A real Café which serves good coffee and food. If you like guys, we could be partners..…business partners.”

“Pass ako diyan. Hindi ko mapagsasabay ang bar at coffee shop.” Sagot ni Yana habang abala sa pagtetext.

“How about you Ellaine? Kailangan ko ng kasama sa business.”

“Hey Frances! Huwag mong ipa-pirate si Ellaine asset ko yan. Kaya Malaki ang kita ng bar dahil sa kanya” si Yana.

“Dahil sa boobs niya?” biglang singit ni Jo habang natatawa.

“Tigilan niyo nga ako! Baka gusto niyong isampal ko to sa  pagmumukha niyong tatlo!”

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon