Chapter 4

84.9K 1K 56
                                    

Jillian Fuentes

"Jill ano balita papasok ba si Anne?" tanong ni Jo habang kumakain kami dito sa canteen.

"Yup, nagtext siya kanina."

Nawawalan ako ng ganang kumain. 

Bakit kaya umabsent ang babe ko? Di man lang niya sinabi kung bakit. Alam ko may problema siya kaso ayaw naman sabihin.

"Nagaway na naman ba kayo?" si Jean.

"Hindi. Maya tatanungin ko siya kung san siya nagpunta."

"Hindi kaya nanlalake si Anne?"si Jo saka sabay silang nagngingitiang dalawa.

"Gusto niyo isaksak ko tong tinidor sa lalamunan niyong dalawa?!" saka ko sila dinuro ng tinidor. Hindi na nga ako okay bibiruin pa ako ng ganito!

"Chillax! Wala ka bang tiwala kay Anne?" si Jean na hindi mapigilan ang pagngiti.

Tsk! Asar talaga tong dalawang ugok na to eh.

"Syempre meron no."

Pagkatapos namin kumain nagpunta na kami ng classroom. Nakatitig lang ako sa pintuan kasi hinihintay ko ang babe ko na pumasok. Puro ako buntong hininga.

Hay.

Hmm? Bigla akong nataranta.

Inayos ko agad yong pagkakaupo ko saka huminga ng malalim.

Eto na siya!

Bakit ba pag nakikita ko ang babe ko lagi akong kinakabahan. Sa lahat ng mga babeng nakilala ko siya lang nagpakaba ng dibdib ko.

"Hoy bakulaw bakit isa lang text mo sakin?" tanong agad niya pagka upo niya sa tabi ko.

"Babe iisa na nga lang text ko di mo pa nireplyan." sagot ko naman.

"Paano ko naman rereplyan yon eh 'babe' lang naman message mo!"

"Kahit na! San ka ba galing? Nanlalake ka no?!" halos bulungan na naman kami habang hinihintay yong Prof. Ayokong maniwala sa dalawa pero gusto kong matahimik tong utak ko.

"Hindi ah."

"Ano pala?"

"Nambabae ako."

"Ha? Nambabae ka?" hindi ko mapigilang matawa.

"Oo bakit?"

"Paano ka makakabingwit ng babae eh hindi ka naman cute na gaya ko! Isa pa sigurado akong matatakot ang mga babae sayo!"

"Tse!Oh eh di nanlalake na lang pala ako!" sagot naman niya.

Alam kong nagbibiro lang siya pero ewan. Nasasaktan ako! Umiwas na ako ng tingin saka kunyari nagsulat na lang ako sa notebook ko.

"Jillian?" tinusok ba naman niya ng ballpen yong tagiliran ko.

"Babe kapag nalaman kong nanlalalaki ka! Uubusin ko talaga lahi mo!" saka ko siya tiningnan ng masama.

"Eto naman biro lang. Mahal na mahal kita di ko gagawin yon. Pagkatapos ng klase tambay ka muna sa apartment ko. Ipagluluto kita"

Biglang nawala yong inis ko nong sinabi niyang ipagluluto niya daw ako.

...

"Bakulaw abot mo nga yong remote sakin."

Grabe nasasanay na talaga siya sa bakulaw oh! Mukha ba talaga akong bakulaw? Asar! Hindi man lang marunong maglambing ang babaeng to.

Napapailing na ako nong iabot ko sa kanya yong remote. Andito na kami sa apartment niya. Nakaupo kami dito sa sofa habang nanunuod ng movie.

"Babe di pa ba tayo kakain? Nagugutom na talaga ako eh." kanina pa siya nakaluto pero ayaw niyang kumain agad dahil di pa siya gutom e ako?

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora